Google
 

Sorry for the delay. Here's episode 30 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie plus a clip from episode 29.

Nagsumbong si Marlene kay JR, sinabi ni JR sa ina na hayaan na lang niya sina Ingrid tutal sila naman ang may alam sa pagpapatakbo sa negosyo. Ipinipilit ni Marlene na businesswoman din siya dahil siya ang nagpatakbo sa negosyo.

Nagalit at sinigawan ni Ingrid ang tauhan dahil nacurios sila sa presence ni Marlene.


Nakikusyoso si Dave kung may nangyari kina JR at Greta. Sinabi ni JR na kaibigan niya si Greta at inirerespeto niya ito. Ayaw ng pag-usapan ni JR si Greta that way.

Namimigay ng questionnaires si Marlene sa mga customers sa grocery store nina Ingrid. Survey ito para magka-idea siya sa kung anong business strategy ang ire-raise niya sa susunod na meeting.

Hinihika si Ramon habang nasa hideout. Natutuwa naman si Leo dahil magaling daw mag-alaga ng baril si David Garcia at hindi man napansin ng mga bumili na luma ang mga baril. Nagpaalam si Ramon at sinabing magpapahangin lang ito sa labas. Sinundan siya ni Olivia at nilandi-landi si Ramon. Mukhang iba-black mail pa ni Olivia si Ramon para lang siya patulan ni Ramon.

Napag-usapan naman nina Marlene at Rita si Ramon, dahil inuumaga na ito ng uwi pero buo naman ang tiwala ni Marlene sa anak.

Sinabi ni Ramon kay Olivia na gusto na niyang kumalas sa grupo. Nag-volunteer naman si Olivia na gamitin ni Ramon para matraydor niya si Leo. Naghalikan sila. (Finally, a realistic kiss on this show! Hindi mga patweetums lang.)

Ahem, hindi lang pala kiss ang mangyayari sa dalawa (hoy sumobra naman kayo may mga batang nanonood nito ha!).

Tumatambay pa rin si Marlene sa grocery store. Nakita siya ni Elizabeth. Binuwisit pa siya ni Marlene at sinabing dadalhin daw niya ang expertise niya mula sa trabaho niya noon — kaya nga raw bumalik-balik ang mga lalaki sa kaniya. Galit na galit si Elizabeth.

Napapansin ni Audrey na may nararamdaman ang ina niya kaya nag-aalala ito sa ina at sa baby. Pero sinabi ni Loreta na huwag itong mag-alala. Masaya si Loreta dahil mabibigyan niya ng anak na lalaki si Stanley. Sinabi ni Audrey na aalagaan niya ang kapatid. Kaya raw kampante si Loreta dahil alam niyang mamahalin ni Audrey ang kapatid. Ipinaalala ni Loreta ang mga paalala niya kay Audrey na lumaban para sa kanilang lahat.

Pag-uwi ni Elizabeth galit na galit pa rin ito. Ayan joint forces na ulit ang magnanay laban kay Marlene.

Nagalit si Audrey kay Dave dahil gumawa ito ng paraan para makalabas ng maaga si Audrey. Dahil doon, hindi makakauwi ng maaga ang isa mga kasama sa trabaho ni Audrey na manonood sana ng recital ng anak. Pagkatapos nilang magtalo, pinauw na ni Audrey ang coworker niya at hindi na sila lumabas ni Dave.

Nagalit si Ramon dahil ang daming tanong ng pamilya niya sa pagtatrabaho niya sa gabi. Para raw kriminal siya kung ituring ng mga ito.

Sumama sina Dave at JR sa operation ng mga pulis sa paghuli sa mga suspect na sinasabi nila.

Masamang balita ang dala ni Angela pagbalik niya sa bahay nina Loreta — patay na ang ina nila.

Nagalit si Leo kay Olivia dahil ayaw nitong magpahalik. Sinakal niya ito at inaakusahang nanlalalaki. Dumating si Ramon habang nangyayari iyon. Paalis na ito pero tinawag siya ni Leo at sinabing pumunta sa warehouse nila para abangan ang bagong shipment. Pag-alis ni Ramon, inumpisahan na niyang halikan si Olivia at hindi na nanlaban ang huli.

Sumugod na ang mga pulis. Sumunod sina JR at Dave.

Nagkabarilan na. Nakita ni Ramon si Dave (for a military guy, walang kamuwang-muwang itong si Dave imagine nasa gitna siya ng barilan nakatunganga lang siya dun). Itinutok ni Ramon ang baril niya sa nakatikod na si Dave.

Clip from episode 29:



Clip from episode 30:


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!