Google
 

Sorry for the delay. Here's episode 28 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Problemado si Marlene dahil parang magkukulang ang budget nila dahil maliit pa ang sweldo ni JR. Pero magsi-share naman sina Ramon at Greta na nagwowork na sa call centre (daw) ngayon.


Dumating ang nakakabatang kapatid ni Loreta na si Angela (Jodi Sta.Maria-Lacson) mula sa pag-ti-TNT sa America. Nahuli daw ito kaya kailangan niyang umuwi muna habang inaayos ang papers niya ng kaibigan ng amo niya sa embassy. Deadma lang si Stanley kay Angela.

Nashock ang magnanay na bruha noong nalaman nilang inimbita ng abugado ang pamilya ni JR sa pagbabasa ng last will and testament ni David. Naloka na silang magnanay when they found out na 50% ang mana ni Ingrid, 25% each ang mapupunta kina JR at Dave, sa lahat ng mga kayamanan nila. Tinawag na whore at linta ni Ingrid si Marlene.

Pati abugado ni David, sinisi nila. Kukuha daw siya ng bagong abugado at babawiin niya ang kinuha nina JR sa kaniya.

Pero mas lalong naloka si Ingrid noong iniabot ng abugado kay Dave ang mga discs containing David’s message to them dahil siya wala.

Masaya naman si Marlene dahil natutupad na ang pangarap nilang makaahon sa hirap pero malungkot din siya dahil kinailangan pang mamatay ni David para lang mangyari iyon.

Mukha talagang naghahanda na si Loreta dahil panay ang habilin niya sa kapatid tungkol sa mga likes/dislikes/allergies ng pamilya niya. Gusto ni Loreta na bumalik si Angela pag bumisita ito sa nanay nila sa probinsiya.

Sinisisi ni Elizabeth si Ingrid dahil hindi siya nito hinayaang ipapirma kay David ang mga papel na pinapapirma nito sa death bed niya.

May hinanakit naman si Dave dahil pareho sila ng nakuha ni JR. All his life daw hinahanap niya ang approval ng daddy niya, itong si JR dumating lang ibinigay na lang sa kaniya lahat. Ipinaalala ni JR sa kaniya kung saan siya nagmula — hindi nila alam kung saan sila kukuha ng susunod nila kakainin, laging walang pera, walang tatay. Nagkaayos naman ang magkapatid pagkatapos nilang mag-usap.

Pinalitang ang pangalan ng shooting range: Garcia and Sons Shooting Range na siya.

Ang nilalaman ng message ni David:

Mahal na mahal niya ang mga anak niya,they’re the best things that ever happened to him. Hindi raw siya perpekto at pasensiya na raw ang mga anak niya at sila ang nahihirapan sa mga nagawa niyang pagkakamali. Pasensiya na raw si JR at atng dami niyang pinagdaanan bago pa sila nagkakilala. Alagaan daw ni Dave ang mommy niya at kung naging mahigpit man daw ito sa kaniya ay dahil he wanted him to be the best, to be better than him. Luhaan ang magkapatid habang pinapanood nila ang kaniya-kaniyang mga discs.

Sinadya ni JR si Ingrid para kausapin pero siempre hindi naman makausap ng matino ang lukaret na to. Sinabi ni JR na hindi niya isosoli ang mga ibinigay ng ama sa kaniya dahil kapag ginagawa niya iyon ay parang tinanggihan na nito ang pagmamahal niya. Wala raw magagawa si Ingrid dahil ipaglalaban nito ang karapatan niya.

Go to hell, sabi ni Ingrid. Dedma lang si JR at umalis na siya.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!