Google
 

Here's episode 22 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Mahal daw ni JR si Audrey dahil kaibigan niya ito (nice save, pero hindi ka convincing!).

Galit na galit ang ang boss nina Ramon (ano kasing pangalan ni Baron dito?) dahil ninakawan siya. Walang gustong umamin. Later on napilitang sabihin ni Ramon sa kaniya kung sino ang nagnakaw dahil sinabi ni Ping Medina (anong pangalan niya dito?) na may alam si Ramon.

Nakagat ng ahas si JR sa leg. Sinipsip ni Audrey ang leg ni JR para maalis ang lason.


Finally nakarating na sa kung saan nagpark sina Audrey at JR. May tumulong na babae sa kanila.

Sampal at sabunot naman ang salubong ni Stanley kay Audrey. Napuno na si Loreta at nag-umpisa na itong mag-empake. Tutal raw magaling na ang lola ni Audrey (kaya hindi na sila kailangang umasa kay Stanley) pero nag-ring ang phone at naatake na naman daw ang nanay ni Loreta.

Hinimatay si JR pag-uwi nito. Tinawagan ni Marlene si David para sabihing nasa ospital si JR. Nagpunta doon si David.

Natutuwa naman si Stanely dahil hindi natuloy na umalis sina Loreta. Sinabi ni Loreta na hindi niya maiwan si Stan dahil parang anak na rin ang turing niya dito (ngek, sabi niya kanina “…mag-empake na KAYO…” oh well). Sinabi ni Stanley na hindi na niya pagbubuhatan ng kamay ang pamilya niya dahil mahal na mahal niya ang mga ito (kuuu, sinabi mo na kanina iyan e).

Galit na galit si Dave kay Audrey. Tinanong pa nito kung may nangyari sa kanila ni JR. Siempre galit din si Audrey kaya nag-walk out ito.

Natouch naman si Marlene sa care na ibinibigay ni David kay JR.

Pinuntahan naman ni Dave ang natutulog na ina.

Pinagluto ni Ingrid ng breakfast si David. Masaya si David dahil back to “normal” ang asawa. Sinabi ni Elizabeth na kung mahal ni David ang asawa huwag na niyang pasamain ang loob niya. At kung ano raw ang relasyon nito kay JR, ayusin niya. Gawin daw nitong perpekto ang buhay ng anak niya dahil kung nabaliw ito, si David lang ang may kasalanan.

Bugbog sarado ang inabot ng itinuro ni Ramon na magnanakaw. Deny to death pa rin siya. Ayaw namang maniwala ni Boss. Napilitang umamin ang lalaki dahil nasa kanila rin pala ang anak nito. Binaril ni [Baron] ang lalaki, habang kalong-kalong ni Ramon ang anak nito.

Nagpunta si Dave sa bahay nina Audrey para magsorry pero nag-away lang sila ulit dahil gusto sanang ilabas ni Dave si Audrey pero ayaw nia Audrey na ipagpaalam siya nito dahil mapapagalitan lang siya. Nag-OA na naman si Dave at sinabing kapag kay JR daw, kahit mapagalitan siya okay lang. Sinabi ni Audrey na utang niya ang loob niya kay Dave at mula pagkabata pa ay sila na ang magkasama para lang tumigil na itong si Dave sa kaka-self pity. Tinanong ni Dave kung mahal daw ba siya ni Audrey dahil iniligtas niya ang buhay nito.

Nag-usap sina David at Dave. Sabi ni David na wala raw kasalanan si JR, kaya sana raw manatiling magkaibigan sina Dave at JR. Noon nga raw na hindi nila alam na magkapatid sila, walang makakasira sa friendship nila, ngayon pa kayang magkapatid sila. Sinabi ni David na nasa ospital si JR.

Narinig ni Audrey na sinabi ni Stanley kay Loreta na magkapatid sina JR at Dave. Narinig ni Audrey na nasa ospital ito.

DUmalaw si Audrey sa ospital habang naroroon si Marlene. Ibinibida ni Marlene ang mga katangian ni JR mula pagkabata, noong nakasagip ito ng buhay. Nag-flashback sa isip ni Audrey ang mga pangyayari habang ikinukwento ni Marlene.

Paggising ni JR, nasa tabi niya si Audrey (umalis si Marlene). Ipinadescribe ni Audrey ang nangyari sa Tagaytay noong mga bata pa sila. Sinabi na ni Audrey kay JR na siya ang batang iniligtas niya noon.

Iba ang expression ng mukha ni JR.

Nakasalubong ni Dave si Audrey noong papunta ito sa ospital. Pagdating daw kay JR may panahon ito. Sinabi ni Audrey na nagi-guilty lang daw ito dahil kasalanan niya kung bakit ito nakagat ng ahas.

Sinabi ni Dave na matagal na niyang pinagbibintangan si JR na may gusto ito kay Audrey, si Audrey pala daw ang may gusto kay JR.

Napagod na si Audrey sa pag-aaway nila ni Dave. Nakipag-break na ito sa kanya.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!