Google
 

Sorry for the delay. Here's episode 21 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Ayun, nagliwaliw at nagbonding sina Audrey at JR. Naflat-an sila ng gulong at naligaw sila sa gubat.

Nalaman naman ni David na may Bipolar Disorder si Ingrid. Galit na galit ito kay Elizabeth dahil itinago niya ang karamdaman ng asawa mula sa kaniya. Sinabi ni Elizabeth na natatakot lang daw siya na iwan ni David si Ingrid kapag nalaman niya kagaya ng mga naging boyfriends ni Ingrid noon.


Nalaman ni Dave na nawawala si Audrey. Nagpunta ito sa bahay nina JR just in case na may balita si JR kay Audrey. Nakatulog ito sa sofa nina Marlene. Natutuwa namang pinagmasdan ni Marlene si Dave.

Sabay na naghanap sina Dave at Greta sa dalawa.

Samantalang parang gusto na ni Ramon na tumiwalag sa sindikatong kinasasangkutan niya.

Nilalason ni Elizabeth ang isip ni Dave. Baka raw mas higit pa sa pagkakaibigan ang turing ni JR kay Audrey.

Nakauwi na si Ingrid mula sa ospital.

Patuloy sa pagtatalo ang dalawang naliligaw. Nasabi na tuloy ni JR kay Audrey na mahal niya ito.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!