Google
 

Here's episode 12 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sinabi ni Marlene kay David na may anak ito sa kaniya.

Napansin ni JR na malungkot si David. Sinabi ni David na namimiss niya si Audrey. Tinatanong ng mga kasama nila kung hindi raw ba sila nahihirapan dahil pareho ang pangalan nila. Kaya nagreminisce ang dalawa. Sinabi ng mga kasama nila na ang laking coincidence naman daw na pareho sila ng pangalan, pareho silang tisoy at pareho silang PMA.


Tinanong ni David kung sigurado raw ba si Marlene. Sumingit si Stanley sa usapan, tinatanong nito kung magkano ang gusto nila. Gustong ipa-DNA test ni Marlene ang sinasabi nitong anak nilang dalawa.

Sinabi ni JR kay Dave na lahat kinakaya niya dahil pangarap ng pamilya niya ang masisira kung hindi siya magsa-succeed. Nagdrama naman si Dave, dahil sabi niya minsan daw iniisip niya na mas mahala ni Ingrid si David kaysa sa kaniya. Kita niya raw, itinapon siya sa PMA kahit ayaw niya.

Habang nag-a-abacus si Lily, sinabi niya kay Audrey na isasama niya ito sa meeting niya kinabukasan. (Talagang stereotyping ng mga Chinese, no?)

Malungkot si Marlene. Insulted siya kasi ano raw ang akala ni David sa kaniya, nabuntis ng iba tapos sa kaniya ipinapaako? Sinabi naman ng ina na siempre raw iisipin ni David ganoon dahil daw sa trabaho niya dati.

Kinompronta ni Elizabeth si David tungkol kay Marlene. Inamin na ni David kay Elizabeth ang tungkol sa kaniya. Shock kunwari si Lola. Pinigilan ni David si Elizabeth noong sinabi niyang sasabihin niya kay Ingrid. Sinabi ni David na hindi niya iiwan si Ingrid dahil mahal niya ito pero mag-uusap pa sila ni Marlene kinabukasan.Hindi pumayag si Elizabeth, siya raw ang makikipagkita kay Marlene.

Nadiskubre naman ni Ramon kung ano ang totoong trabaho ni Greta. Hinintay niya ito hanggang matapos ang show. Hindi na makapagdeny si Greta, kaya nakiusap na lang ito kay Ramon na huwag niyang ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa trabaho niya. Sinabi ni Ramon na mahal niya ito at kahit anong trabaho niya, mahal daw niya ito. Sinabi ni Greta na hindi sila talo. Pinauna na niyang umuwi si Greta. Naiwang lumuluha si Ramon.

Pagdating ni Audrey sa restaurant, nakita niyang ang lalaking nagpunta sa opisina ng lola niya the other day, si Andrew Cheng. Isinet up siya ng bruhang si Lily. Habang tinatanong siya nito ng mga likes and dislikes niya, dumating si Lily. Sinabi nito sa apo na si Andrew ang magiging future husband niya. Nashock si Audrey. (LOL, substitle kuno pero nakakaloka naman, iyong stereotypical na Filipino-Chinese na pagsasalita pa rin ang nasa substitle).

Kung gusto daw ni Audrey na magustuhan siya ni Lily, pakakasalan niya si Andrew. Sinabi ni Audrey, kahit hindi na raw siya magustuhan ng lola, okay lang. Nag-walk out na ito.

Pinagpapalo ni Lily si Audrey noong makauwi na silang pareho.

Sinabi ni Stanley na hindi raw kasi Chinese si Loreta kaya hindi nito naiintindihan na insurance ang tawag dun sa gustong mangyari ng nanay niya. Para raw gumanda ang buhay ni Audrey. Kaninong buhay daw ang gaganda, kay Audrey o kay Lily, tanong ni Loreta? Sinampal siya ni Stanley. Pag-alis ni Stanley, dumating si Stan at niyakap ang umiiyak na si Loreta.

Nashock si Marlene dahil namukhaan niya si Elizabeth. Inalok siya ng P100,000.00 nito (ang cheap!). Inihagis ni Marlene ang pera at sinampal niya si Elizabeth. Sinabi niya na pagbabayaran ni Marlene ng mahal ang sampal na iyon.

Nagdrama si Elizabeth, naghysterical ito. Kunwari sinasaktan siya ni Marlene. Kinuha ng mga security guards si Marlene.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!