Google
 

Here's episode 14 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sinorpresa ni Dave ang pamilya niyang nagbabalak bumisita sa kaniya sa Baguio next week (akala ko ba miss na miss na nila ito, isang linggo pa ang hihintayin nila?). Tuwang-tuwa ang buong pamilya.

Ayaw ni Marlene na masangkot pa si JR sa gulo dahil tatlong taon na lang da at gagraduate na siya. Ipinapangako ni Marlene sa anak na wala itong gagawin, babalik ito sa Baguio para tapusin ang pag-aaral. Dahil daw pagkagraduate niya, wala makakagawa noon kay Marlene.


Akala ni Dave na alam nina Ingrid at Elizabeth na kasama niya sa PMA si JR. Ayaw nina Ingrid at Elizabeth na pag-usapan pa si JR. Sinikreto ni David ang anak at sinabing ilalabas niya sina Dave at JR dahil magaan ang loob nito sa kaniya at feeling daw niyo, magandang impluwensiya si JR sa kaniya.

Tuwang-tuwa naman si Greta noong dumating na si JR sa bahay nila. Ilalabas daw ni Greta si JR, pero dahil may balak silang lumabas ng “kaibigan niya” kinabukasan, sumama na lang daw siya sa kanila. (Hindi na talaga natuto itong si JR, nagsasama na naman ng ibang tao). Waitress ang sinabing trabaho ni Greta kay JR.

Nagkita sina Greta at Dave kinabukasan na parehong natulala noong ipinakilala sila ni JR sa isa’t isa. Agad namang nakarecover si Greta at nakipagkamay kay Dave. “Nice to meet you, for the first tinme,” sabi ni Greta. Dumating si Audrey at masayang binati ang dalawa. Hinalikan ni Dave si Audrey. Nahalata naman ni Greta na nagselos si JR, kaya nagwalk out ito.

Sinundan ni JR si Greta. Bakit daw ang ligkit ni JR kay Audrey. Inamin ni JR dito na crush niya si Audrey. Dumating si Dave at sinabing ready na ang pagkain. Sa inis ni Greta, sinabi niyang crush ni JR si Audrey.

Tuwang-tuwa naman si Ingrid dahil magkasundo na sina David at Dave finally. Masaya rin siempre si Elizabeth. Magandang desisyon nga raw daw ang pagpapapasok nila sa PMA kay Dave. Nailayo daw nila si Dave kay JR.

Nagalit si Dave kay JR. Alam naman daw ni JR na makakapatay daw ito kapag inahas siya. Huwag daw mag-alala si Dave, mauuna na siyang pinatay ni Greta. Tumigil lang sa pagda-drama itong si Dave noong sinabi ni JR na syota niya si Greta. (Kita mo `ton Dave na to, hindi man lang concern na ang syota ng best friend niya ay isang babaeng bayaran?)

Sabi ni David sa dalawa na sikreto raw ang pagkikita nilang iyon. Sinabi ni Dave sa daddy niya na magsyota sina JR at Greta. Natutuwa naman si David sa nalaman. Ito namang si Greta, feel na feel sinabi niyang malapit na silang ikasal.

Nakibalita si Ramon sa ina tungkol sa kaso. Sinabi ni Marlene na napostpone na naman ang hearing niya, sabi ng abugado niya. Sinabi ni Ramon na kapag yumaman siya, lahat ng umapi sa ina luluhod sa harapan niya.

Habang nasa CR sina Audrey at Greta, humingi ng tip si Greta kay Audrey. Bakit daw ang ibang mga babae, sineseryoso, iyong iba, ikinakama lang. Hindi kumportable si Audrey kay Greta.

Noong papauwi na sina Greta at JR, sinabi ni Greta na totohanin na nilang ang maging sila. Hinalikan at niyakap ni Greta si JR at sinabing in love ito sa kaniya. Sinabi ni JR na ayaw niyang sirain ang pagkakaibigan nila. Parang kapatid na nga raw ang tingin ni JR sa kaniya.

Sampal ang inabot ni Audrey kay Lily. Paulit-ulit niya itong tinatawag na malandi dahil sa halip na magtrabaho raw nakikipagdate ito kay Dave. (Dapat nga masaya itong bwisit na matandang ito dahil mayaman si Dave, no). Mukhang nawawalan ng malay si Lily.

Tinanong ni Greta kung ano ang nagustuhan ni JR kay Audrey. Sinabi ni JR na mahinhin daw si Audrey at masarap kausap, pero lilipas din daw ang crush nito sa kaniya.

Narinig ni Ingrid ang usapan nina David at Dave tungkol kay JR.

Luhaan namang nagpaalaman si Marlene. Nadulas ito at sinabing “…para kapag nagkita kayo ng tatay mo hindi ka na niya pwedeng apihin.” Sinabi ni Rita na sabihin na ni Marlene ang totoo.

Sinabi ni Marlene na buhay ang tatay niya. Sinabi na rin niya na ang tatay niya at ang asawa nito ang nagpakulong sa kaniya.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!