Google
 

Here's episode 10 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sinabi ni Lily kay Stanley na dapat pabalikin niya si Audrey sa Cebu. Sinabi ni Stanley na wala siyang magawa. Gusto ni Lily na papagtrabahuhin si Audrey sa opisina niya pagkatapos nitong mag-aral para makabayad ito sa mga utak niya.

Nagkta ulit sina Audrey at Dave, pakipot pa si Audrey dahil hindi lang naman daw si Dave ang may problema. Nag-hire si Dave ng mga nagtitinda ng sigarilyo at sabay sabay nilang ipinakita ang likod ng mga lalagyan nila ng mga paninda na may “I’m sorry.” Sa halip na kiligin, umalis si Audrey. Sa kakamadali niya muntik na siyang nasagasaan kung hindi lang siya hinila ni Dave. Narealize ni Audrey na iniligtas na naman niya ang buhay niya. Nagyakap at nagkahalikan ang dalawa.


Gusto in Audrey na magpaligaw muna bago maging sila. Sinabi ni Dave na mahal niya si Audrey at itinanong ni Dave kung mahal siya nito. Umoo naman si Audrey. E di sila na daw. Ayan naghalikan sila ulit.

Nagkukulitan na sina Audrey at Dave habang hinihintay nila si JR. Ibinigay na ni Dave ang bagong cellphone ni JR. Ibinalita nila kay Dave na sila ng dalawa at niyaya nila itong magcelebrate. Tumanggi si JR, akala ni Dave napagalitan na naman ito.

Sinabi ni Marlene kay JR na matutuloy na ang pag-pi-PMA nito dahil naayos na nila ni Greta ang lalakeng balak magdemanda sa kaniya.

Habang naggo-grocery sina Elizabeth at Ingrid napag-usapan na naman nila ang pagpi-pi-PMA ni Dave at kahit na mahirap ay maigi na iyong para sa ikabubuti ni Dave, para mapalayo na ito JR.

Graduation na nina Dave, JR at Audrey. Sabay na nagcelebrate sina Dave at Audrey. Botong-boto sina Ingrid kay Dave. Habang ito namang si Stanley, sinasamantala ang okasyon para maging supplier ni David sa mga businesses nito.

Samantalang fishballs naman ang treat ni Marlene sa anak niya.

Nakapag-exam at nakapasa na sa PMA sina Dave at JR. Masayang masaya si JR, at niyakap niya sina Greta at Ramon (na mukhang nagseselos). Ito namang si Greta, siya pa ang nagbukas ng letter ni JR?

Masaya din ang pamilya ni Dave dahil nakapasa rin siya.

Inamin ni Dave kay Audrey na hindi talaga niya alam kung gusto niyang mag-PMA. Pero dahil gusto daw ng daddy niya, pagbibigyan na niya baka magustuhan na raw naman niya at the end.

Isang taon daw bago pwedeng makipag-contact sina Dave from outsiders. Ipinangako naman ni Audrey na maghihintay ito sa kaniya.

O aya, supposedly kilig moments nina Kim Chiu at Jke Cuenca. Panay naman ang halikan nila. Pero at the end, malungkot sila dahil maghihiwalay na sila.

Mukhang masasangkot si Ramon sa mga sindikato (andun si Ping Medina, bilang “boss” niya…per may boss pa silang iba).

Naluluha naman si Marlene dahil malapit ng umalis ang anak. Malungkot ito dahil hindi man lang niya naibili ng bagong toothbrush ang anak. Binigyan ni Ramon ng pera ang kapatid. Noong una, ayaw tanggapin ni JR pero tinaggap na rin niya in the end.

Inaalila naman ni Lily si Audrey sa “opisina” (na mukhang bodega) nito kaya hindi niya naihatid si Dave. Ayaw siyang paalisin ni Lily.

Panay ang paalala ng pamilya ni JR (plus Greta) sa kaniya noong inihatid nila ito sa bus stop. Nagpasalamat si JR kay Greta. Pinaalis na ni JR ang pamilya bago pa sila mag-iyakan.

Pag-alis nila, doon naman dumating ang kampon ni Ingrid.

Tinawagan ni Audrey si Dave to explain, pero siempre nagalit si Dave. Ibinaba na ni Dave ang phone. Tumawag si Audrey kay Dave, hoping na kasama niya si Dave. Umiiyak ito dahil mukhang galit si Dave at sana raw paki-explain na lang ni JR kay Dave na hindi siya pinayagan ng lola.

Pagkakita ni JR kay Dave, nag ring ang phone ni Dave pero hindi niya sinasagot ang phone kaya kay JR ulit tumawag si Audrey. Ayaw pa rin siyang kausapin ni Dave, kaya kinausap na ni JR si Audrey, na nasa kwarto na niya.

Dahil matagal na nag-usap sina Audrey at JR, nagselos si Dave at sinabing sa araw na gaguhin siya ni JR, baka mapatay niya ito...


1 Comment:

  1. rizalavenue.com said...
    sa lahat po ng wla pang magawa at gusto makahanap ng bagong kaibigan punta lang po kaya dito sa website na ito http://forums.rizalavenue.com

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!