Google
 

Here's episode 20 of Tayong Dalawa courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pinaghahampas ni Ingrid si David habang umiiyak ito. Pinigilan siya ni Elizabeth. Nakatulala lang si Ingrid later on, ayaw siyang dalhin sa doctor ni Elizabeth. Sinabi ni Elizabeth na ayusin ni David ang lahat bago tuluyang mabaliw si Ingrid.

Sinabi na ni David kay Dave ang lahat lahat. Sinugod ni Dave si JR. Sinabi nitong inagaw ni JR ang lahat sa kaniya. Kahit kailan daw hindi niya ito matatanggap na kapatid. Tinawag pang pokpok ni Dave si Marlene. Sinabi ni JR na kinukuha lang niya ang sa kaniya. Nagsuntukan ang dalawa. Piniglan sila nina Rita, Marlene at Greta. Layuan daw nila ang pamilya ni Dave, makakapatay daw ito.


Tinawagan ni JR si Audrey kahit malalim na ang gabi. Nakipagkita si JR kay Audrey sa labas ng bahay nila. Inilabas nito ang sama ng loob ni JR (Loko mo JR, ang lakas ng boses mo tumatakas lang ang kausap mo). Kung oportunista daw ang tingin ni Dave sa kaniya, tototohanin na niya.

Nataranta sina Elizabeth at David dahil nawawala si Ingrid. Nagpunta si Ingrid sa bahay nina JR at binaril niya ito. Pero hindi niya ito tinamaan. Lumabas sina Marlene, Rita at Greta at pinaalis si Ingrid. Dumating sina Elizabeth at David. Nagpasorry si David kina Marlene.

Tumanggi si Elizabeth sa doctor na dala ni David (hahahaha….may white coat pa, para daw makumbinse tayong doctor siya) para tignan si Ingrid.

Kinabukasan, nakiusap si David kay JR na huwag na niyang kasuhan si Ingrid. Pumayag naman si JR kaya niyakap ni David ang anak.

Ibinili ng kotse ni David si Dave.

Ipinapasyal ni JR ang pamilya niya.

Inaalagaan naman ni David ang ina.

Sa shooting range naglalabas ng sama ng loob si Dave.

Gusto sanang makipagbonding ni JR kay Ramon pero hindi pwede si Ramon dahila kailangan siya ni bosing.

Nakiki-pagflirt si Olivia (Regine Angeles) kay Ramon. Binalaan ni bosing (anong pangalan ni Ping Medina dito?) si Ramon tungkol kay Olivia, mabait daw ang boss pero huwag niya itong kakalabanin. Naihinga ni Ramon kay *Ping Medina* ang sama ng loob niya sa bahay nila dahil si JR lang ang bida.

Nag-grocery sina Marlene at Rita sa supermarket nina Ingrid. Gusto daw makita ni Marlenes ang teritoryo niya. DUmating si Elizabeth at pinaalis niya ang mag-ina. They have the right to refuse customers daw kasi.

Nakita ni David na nakalagay ang pictures nina Marlene at Rita sa entrance ng supermarket nila. May nakasulat na “Beware of Shoplifters” sa ilalim ng mga pictures nila. Akala ni David ipinakulong ni Elizabeth ang dalawa. Galit na galit si Elizabeth, sila raw ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang anak niya. Wala raw silang karapatang tumapak sa pinaghirapan niya. Sinabi ni David na sa ayaw at gusto ni Elizabeth, anak niya si JR at huwag daw niyang tatratuhin ang ina ng anak niya ng ganoon. Pinaalis ni David ang mga pictures.

Hindi pa nasasabi ni Stanley sa nanay niya na babae na naman ang anak nila ni Loreta dahil gusto ni Lily na lalaki ang magiging apo niya. Wala raw kasing kwenta kung babae ito (E di siya ang magbuntis, sus!).

Kinakausap ni Dave ang ina at finally napangiti niya ito kahit sandali lang. Sinabi ni Ingrid na okay lang siya at iniwan niya si Dave. Nagpunta ito sa banyo at piangsusuntok niya ang salamin (baka magpalita siya ng balat…LOL). Sumugod si Dave sa banyo at niyakap niya ang sugatang ina.

Dinala sa ospital si Ingrid. Hindi kinikibo ni Dave ang ama. Balik na sa pagsu-sundalo si JR sa Philippine Air Force at sa Philippine Army naman si Dave.

Nakipagkita si JR sa mga dati niyang kasama sa PMA, pero hindi nila kasama si Dave.

Natapon ni Audrey ang kape ni Lily kaya pinagpapalo na naman siya nito. Tinawag na bobo ni Lily si Audrey at ang nanay niya. Sumagot na rin finally si Audrey at sinabi niyang hindi sila bobo. Hindi lang daw nakapag-aral ang ina at kung may kabobohan daw ito ay ang pagmamahal ni Loreta sa tatay niya. Nag-walkout ito.

Naglakad sa daan si Audrey at itinapon niya ang cellphone niya noong mag-ring ito at si Lily ang nasa kabilang linya. Nakita siyang naglalakad ni JR na may tsikot na ngayon (how convenient). Bumaba ito at napansin niyang namumugto ang mga mata ni Audrey.

Niyakap ni JR si Audrey at tuluyan ng napahagulgol si Audrey.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!