Google
 

Here's episode 13 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nakulong si Marlene. Isang daang libong piso ang multang kinakailangan para makalaya si Marlene. Pysical injury at attempted murder na may kasama pang restraining order kina David at Elizabeth. Sinabi ng abugado ni Marlene na malalaking tao ang mga kalaban niya kaya mag-ingat sila.

Sinuhulan ni Elizabeth ang mga trabahador nila para manahimik.


Umiiyak si Marlene. Akala niya asawa ni David si Elizabeth. Sinabi ni Rita sa anak na sana raw magising na siya sa katotohanan na hindi siya mahal ni David. Hindi makatingin si Rita sa anak. Nakiusap si Marlene na huwag na munang sabihin ng ina ang nangyari sa mga bata (ngek, para kasing binisita ka palang ni Ramon no), lalo na raw kay JR. Natatakot si Marlene na baka kapag nalaman ni JR, lumayo ito, siya pa naman ang tanging pag-asa nila.

“Keri” naman daw ni Rita iyon kaso lang paano na raw pag pwede ng makipagcommunicate si JR sa kanila?

Humingi naman ng sorry si Dave sa mga kasama niya sa platoon ng dahil sa kaniya, nalate sila kaya naparusahan sila. Nangako siya na pagbubutihan na niya next time.

Hindi pinahiram ng pera ng boss niya si Ramon, Masyado daw malaking halaga iyon pero bibigyan daw niya ito ng maraming trabaho para makaipon siya.
Galit na galit si Stanley kay Audrey. Napahiya daw si Lily kay Andrew Cheng. Bumalik na raw sa China si Andrew (ang bilis naman, hindi pa nga nakabihis si Audrey, nakaalis na siya?). Gusto daw ni Lily na patigilin na raw si Audrey sa pag-aaral dahil wala raw itong utak.

Gusto ni Loreta sana na umalis na silang mag-ina sa poder ni Stanely pero naisip niya ang ina niya. Wala raw ibang tutulong doon kung hindi ang mga padala in Stanley. Iminungkahi ni Audrey na mag-aral na lang sila ng palihim ng ina para makalaban sila.

Sinabi ni Elizabeth kay Ingrid na nadulas ito sa banyo kaya pumutok ang labi niya. Ang sinabi naman niya kay David, sinaktan siya ni Marlene at humingi pa ito ng karagdagang pera (P120K altogether). Nagsorry naman si David kay Elizabeth. Sinabi ni Elizabeth iyon na ang huling time na mag-ko-cover ito para sa kaniya.

Pinuntahan ni Ramon si Greta sa trabaho. Naikwento ni Greta na madalang na lang ang mga mayayamang customers nila. Ikinuwento niya si Dave pero siempre hindi naman alam ni Ramon na iyon yun. Hindi naman sinabi ni Greta na may nangyari sa kanila ni Dave, hanggang table lang daw.

Nalaman nina Dave at JR na magkasunod ang mga birthdays nila. Lalong na-amaze ang mga kasama nila dahil sa mga coincidences around them Sinorpresa ng mga ito ng mga cake ang dalawa.

Patagong nag-aaral sina Audrey at Loreta.

Binabayaran pala ni Elizabeth ang lawyer ni Marlene.

Nasa kulungan pa rin si Marlene.

Patuloy pa rin sa gun running si Ramon.

Dancer pa rin si Greta.

Patuloy pa rin sa training sina Dave at JR.

One year later…

Noong nakausap ni JR si Rita sa telepono, nalaman niya dito na nakakulong ang ina niya. Sinamahan ni Dave si JR na bumaba mula sa Baguio. Habang naghihintay sila ng bus, tinawagan ni Dave si Audrey.

Binisita nina JR sa bilangguan ang ina. Tinatanong nito kung sino ang may gawa ng pagkakakulong niya.

<

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!