Google
 

Here's episode 9 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Habang kumakain sila, doon naisumbong ni Audrey kay Dave na inaapi siya ng tiyahin niya sa Cebu. Di sana raw tinawagan niya si Dave, kahit na collect. Nahihiya naman daw si Audreay (Sus, edi sana nakitext ka sa mga nagmakeover sa iyo). Nakiusap si Audrey na ilihim muna ni Dave ang sinabi nito sa kaniya.

Basta raw from now on, kapag may problema siya tumawag lang siya kay Dave. At kung hindi niya ito macontact, si JR ang tawagan nito. Ipinaalala ni JR na wala na siyang cellphone at tinanggihan nito ang alok ni Dave na bilhan siya ng bagong cellphone. Sinabi ni Dave na hahanapin niya ang pinakamurang cellphone na mahanap niya, iyon ang ibibili niya sa kaniya.


Excited naman ang pamilya ni JR sa pag-a-apply nito sa PMA. Nagbiro pa si Marlene na kapag nakagraduate na siya, hihiramin nito ang baril niya at pupunta siya sa mga mayayaman [Ingrid].

Sinabi ni Dave na gumanda raw si Audrey, siguro may boyfriend na raw ito. Pina-second the motion pa ni Dave si JR sa sinabi niya. Sinabi ni Dave na kaya wala raw siyang boyfriend ay dahil type niya si Dave.

Nalaman ni Ingrid from Audrey na kasama nila ni Dave na kumain si JR. Nagwala na si Ingrid at pinagsasampal si Dave. Pinigilan ni Elizabeth si Ingrid at hinila na ni Dave papaalis si Audrey. Nagalit si Dave kay Audrey, nagpababa ng kotse si Audrey.

Nagkita sa hospital lobby sina Lily at Loreta (kasama sina Stan at Audrey). Sinabi ni Lily na buhay pa raw pala siya, ang mga masasamang damo daw talaga hindi agad namamatay (kinakausap ata niya ang sarili niya).

Habang nag-uusap sina Greta at JR sa hallway, binawian ng buhay si Berta (Hypotensive daw siya, sus! Para lang mag-throw sila ng medical jargon no? Comedy pa iyong nurse, kumaripas ng takbo at sabay sigaw ng “Doc! Doc! …hypotensive…”). Iyak ng iyak si Greta.

Pinagalitan na naman ni Elizabeth si Dave.

Inilibing na si Berta. Malungkot na malungkot si Greta.

Sinabi ni Audrey sa ama na hindi na ito babalik ng Cebu para maalagaan niya ang ina. Ayaw pumayag ni Stanley dahil nakabayad na raw ito ng tuition ng buong taon. Sinabi ni Audrey na babayaran na lang daw niya ang ama kapag nakapagtrabaho na siya. Sinabi ni Stanley na kahit magkano raw ang ibayad nito, hindi ito makakabayad sa ginawa niya (I assume, Stan Jr’s death?).

Sinadya ni Ingrid si JR. Kailan daw nito titigilan ang kakahuthot ng pera kay Dave. Tinanong ni JR kung ano ang problema ni Ingrid, inaaano ba raw niya ito? Sinabi ni Ingrid na gusto raw ba ni JR na sunugin niya ang buong squatter para madamay ang lola at ina niya.

Pinatira ni Marlene si Greta sa kanila. Mukha pang malungkot si JR kay Greta kaya napansin ito ng ina niya. Dumating si Rita at sinabing ibinalita ng kapitbahay nila na may mayamang gumawi sa kanila. Hindi sinabi ni JR ang totoo. Pero inamin din ni JR kay Ramon na si Ingrid nga iyon.

May mga lalaking sumugod sa karinderiya nina JR at winasak ito kaya nakipagsuntukan sila. Kinailangan pa nilang magbayad para sa pampaospital ng mga lalakeng nasaktan. Si Greta ang tumulong magbayad.

Noong nagbabayad na sina Greta, biglang dumating ang friend ng lalake at sinabing magsasampa daw ito ng demanda. Dinramahan ni Marlene ang lalake pero hindi umepek. Nagpapasuhol pala ang lalake, P10, 000.00 daw para hindi magsampa ng demanda at hindi magkarecord si Dave. P8,000 ang huling tawad ng lalake, in 3 days daw kailangan nasa kanya na ang pera.

Nagalit si Ingrid kay David dahil nababaitan ito kay JR. Hindi sinabi ni David na nagkita na sila, sinabi nito na ikinukwento lang siya ni Dave.

Iminungkahi ni Greta kay JR na umutang muna ito kay Dave, pero ayaw ni JR. Uutang daw si Greta sa boss niya. Basta raw tutulong si Greta sa kaniya, makapag-PMA lang siya. Sinabi ni JR na hayaan daw niya, pagkagraduate niya ito naman ang papag-aralin niya.

Ayaw pautangin ng boss niya si Greta.

Nasa club na naman si Dave at tuwang-tuwang pinapanood si Greta sa pagsasayaw nito. Nagdrama si Dave at sinabi niyang his life sucks, gusto lang daw niyang maging masaya kahit isang gabi lang (nagdadarama pa e, iyon lang pala ang gusto). May nangyari sa kanila ni Greta. Umiiyak si Greta pagkatapos siyang bigyan ng pera ni Dave.



1 Comment:

  1. Gem Roy said...
    nice naman check out my forum tnx http://forums.rizalavenue.com/

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!