Google
 

Here's the transcript of episode 25 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Inamin ni Ramon kay JR na naiinggit siya kay JR dahil buhay ang tatay niya. Pero nagbiro ito at sinabing malay daw nila mayaman din ang tatay niya. Sinabi ni JR na tutulungan niya ang kapatid.

Tinutuya naman ni Bosing si Ramon. Hindi man deretsahan, sinabi niyang kilala na nito ang buong pamilya niya kaya huwag itong tatalikod sa kaniya.


Pagkalipas ng alas dose, binati ni Audrey ng happy birthday si JR. Dumating sina Dave at Greta at isinuggest ni Dave na magdouble date sila.

Noong kumukuha ng cake si Marlene, pinuntahan siya ni Ingrid para inisin. Ayaw siyang patulan ni Marlene para na rin sa mga anak nila, pero Ingrid kept going kaya pinatulan na nito ang panunuya. Bago pa maghalo ang balat sa tinalupan, dumating sina David at ang mga nanay ng dalawa.

Kinaumagahan, sinalubong ng birthday cake ni Greta si JR. Sinabi ni JR kay Greta na hindi nito nakakalimutan ang mga ginawa nito para sa kaniya. Siya naman daw ang papapag-aralin niya.

(Ngek, sino iyong babae sa restroom na nagsabing “…okay lang iyan girl…” noong sinabi ni Audrey sa sarili na baka inlove siya or something?)

Nagkasalubong sina Audrey at JR, sinampal niya si JR noong sinabi nitong kahit ang regalo ni Greta na lang ang regalo ni Audrey sa kaniya. Audrey thought it was something else. LOL.

Pumunta si Ingrid sa bahay nina Marlene to offer a truce na may kasamang banta (ano kayang klaseng truce iyon). Narinig ito ni JR.

Nag-away sina Dave at JR dahil sa mga nanay nila. Dumating si David pero hindi na sila nagsumbong.

Gusto ng ilayo ni JR ang pamilya niya away from Ingrid pero sinabi ni Ramon na kahit naman saan sila magpunta hindi naman sila tatantanan ni Ingrid. At saka mabait naman daw ang tatay ni JR, iyon nga raw daw tatay ni Ramon kahit na pagmumukha niya hindi niya alam. Narealize ni JR na tama ang kuya niya at inamin niyang noong nakilala niya ang tatay niya para mas nabuo siya.

Na-inspire naman si Ramon na hanapin ang tatay niya through the internet.

Tinanggihan naman ni JR ang “regalo” ni Greta sa kaniya dahil hindi niya ito mahal. Napahiya naman si Greta at nagkulong ito sa kwarto niya. Kinakatok siya ni JR pero hindi niya ito pinagbuksan. Naririnig ni Ramon ang pakiusap ni JR na buksan nito ang pinto.

Later on, pinuntahan ni Ramon si Greta sa kwarto niya. Inilabas nito lahat ng sama ng loob niya. Didiga na sana si Ramon, pero nagpasalamat na lang si Greta sa pakikinig and then called it a night.

Assistant ng assistant manager ang bagong trabaho ni Audrey sa kumpanya ni Ingrid. O ayan, sila na ulit.

Iniiwasan ni Greta si JR.

Isinama ni JR si Ramon sa shooting range at napansin niiyang parang sanay na sanay ang kapatid sa pamamaril. Nagdahilan si Ramon at sinabing pinapanood lang niya si David kanina kaya alam niyang gawin. Bilib na bilib naman silang lahat sa kaniya.

Nakausap ni Ramon sa phone ang tatay niya pero pinagbabaan siya nito ng phone. Kay Greta niya inilabas ang sama ng loob nito sa kaniya. Niyakap na lamang ni Greta ang kawawang si Ramon.

Nalaman na ni JR na sina Dave at Audrey na ulit.

Nagkaroon ng barilan habang tinatransport nina Ramon ang mga baril dahil may checkpoint silang nadaanan. Galit na galit si Bosing (Loe ba name niya dito?) kina Ramon at Ping Medina (sorry I don’t know his name).

Tinutukan ni Leo ng baril si Ramon at akmang babarilin. Sinabi ng takot na takot na si Ramon na papalitan na lang daw nila ang mga bari may alam daw itong pagkukunan nila.

A clip from episode 24:


Td24
Uploaded by kapaover


A clip from episode 25:

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!