Google
 

Here's episode 37 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sinabi ni Angela kay Audrey na sumama ito kay Dolores (Beauty) para naman makapaglibang siya. Ihahanap daw nila ng date si Audrey.

Sinundo nina Dolores (with 2 guys) si Audrey pero ayaw siyang payagan ni JR (na bigla na lang sumulpot).

Hinintay ni Ramon si Greta sa labas ng trabaho niya. Bakit daw kailangan daw na bumalik si Greta sa dati niyang trabaho, kaya na raw siya nitong buhayin. Sinabi ni Greta na maliit raw ang kita ni Ramon bilang messenger, paano siya nito bubuhayin.


Biglang may iniabot na kahon si Ramon kay Greta at nashock ito noong makita niya ang laman ng kahon — isang mamahaling relo. Sinabi ni Ramon na unti-unti na niyang naaayos ang buhay niya, bigyan daw siya ng pagkakataon ni Greta.

Nag-away sina JR at Audrey dahil feeling itong si JR at ginagawa pang rason na nangako siya kay Dave na babantayan niya ito. Feeling din anman si Audrey dahil pakipot pa siya. Ayaw niyang magpahatid kay JR, so binuhat niya ito at iniuwi.

(Naiirita ako sa dalawang ito.)

Galit naman si Ingrid kay Audrey dahil nireject niya si Dave. Kapag nalaman daw niyang may iba siyang mahal noong sila pa ni Dave, kakausapin nito si Stanley.

Nag-aalala si Rita dahil hindi pala umuwi si Ramon. Nalaman ito ni Marlene kaya nag-alala siya. Tumawag si Ramon para sabihing isinama siya ng boss niya sa business trip.

Tinanong ni Dolores kung pinipigilan ba ni JR si Audrey na magdate para kay Dave…para sa kaniya.

Ni-raid nina Dave ang operation nina Leo. Nagkabarilan, nagkaputukan, nagka-upakan (Dave VS Leo). Blah-blah-blah.

Hindi nahabol nina Dave sina Leo, Ramon at Ping Medina (hindi ko pa rin alam ang name niya) dahil ayaw mag-start ng kotse. LOL.

Maraming mga kasama si Dave na namatay sa operation. Na-seize ng army ang mga baril na ibinenta nina Leo (well…binayaran naman sina Leo so I don’t think apektado sila).

Nagalit si Leo noong sinabi niyang nagiging delikado ng masyado ang ginagawa nila.

Nag-aagaw buhay ang isa sa mga kasama ni Dave, si Pedro…iyong friend niyang may girlfriend at anak, iyong nagsabing magpapakasal siya pag-uwi niya. Inihabilin nito kay Dave na ibigay ang singsing na itinatago niya para sa girlfriend niya.

Malay niyo iyon ang magiging leading lady ni Dave.

Ay, I take it back. Hindi siya artistahin. Hehehe. Ibinigay ni Dave sa babae ang singsing na nakalagay sa kwintas ni Pedro.

Tinawagan ni Dave si Audrey. Magiliw ang pakikitungo ni Audrey sa kaniya (masungit naman siya kay JR, btw). Sinabi ni Dave kay Audrey na babalikan niya ito.

Pag-uwi ni Ramon, sinabi niyang galing siya sa Boracay. Na-excite naman sina Rita at Marlene noong nalaman nila ito at naghahanap ng pasalubong. Sinabi ni Ramon na busy sila kaya hindi siya nakabili.

Bakit naman daw pati si Audrey pinag-iinitan ni Ingrid, sabi ni Elizabeth sa anak. Naiinis daw si Ingrid kay Audrey pero hindi niya ito ma-fire out dahil nangako siya kay Dave. Iipitin daw niya si Stanley para makaganti kay Audrey.

Nangangarap naman si Marlene, gusto daw niyang magbakasyon silang buong pamilya. Iyon daw tipong sasakay sila ng eroplano…pupunta daw sila sa Arizona. Naisip ni Marlene na magpatulong doon sa lalaking nakita niyang taga US Embassy (Arthur Smith) na nakita niya sa opisina ni Ingrid.

Sinuhulan naman ni Marlene ang secretary ni Ingrid para makuha ang number ng lalake. Pag-alis ni Marlene, dumating si Elizabeth at itinanong kung kaninong contact number ang hinihingi ni Marlene. Sinabi ng secretary ang pakay ni Marlene. Huwag na huwag daw niyang ibibigay ito, sabi ni Elizabeth.

Tinawagan ni Elizabeth ang lalaking binayaran niya noon para sundan si Marlene at pinapasundan na naman niya ito.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!