Google
 

Here's episode 48 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Naloka itong si Elizabeth noong nakita niyang pareho sila ng wardrobe pati na alahas ni Rita. Sinabi ni Rita na alam niyang may inililihim sila sa kanilang magnanaya. Ganoon din naman si Marlene, nilapitan niya si Ingrid at sinabing alam niyag may itinatago ito.


(Engot naman ang magnanay na ito. Ikaw ba kung alam mong may secret iyong kaaway mo tungkol sa iyo ipapaalam mo ba sa kaniya na alam mo?)

Narinig ni Elizabeth ang usapan nina Angela at Marlene (may bionic ear ata ang matandang ito). Nalaman niyang si Angela ang nagsumbong. Pero hindi muna nila ipinaalam kay Angela na alam na nila.

(See, take lessons from them Marlene and Rita.)

Sinabi na ni JR sa ina na magpapakasal na sila ni Audrey. Nabigla man si Marlene ay masaya ito para sa anak. Kaya naman daw ni JR na lumagay sa tahimik. At wala na daw si Dave, kaya hindi naman nakakatapak ng tao sina JR at Audrey (iyan ang akala niyo).

Narinig ni Ramon ang usapan nina JR. Agad namang itsinismis ni Ramon ang nalaman kay Greta. Ngitngit na ngitngit si Greta, hindi raw siya papayag, hindi raw siya paayag na maging masaya sina JR at Audrey. Kung sana raw buhay pa si Dave, hindi magiging masaya ang dalawa. Naalala ni Ramon ang nakita niyang uniform na Garcia.

(Tignan mo itong bruhang ito. Pinatitira ka na nga libre ni Ramon no. The least you can do is lie!)

Niyaya ni Ingrid si Audrey na maglunch kasama si Stanley. Natulala na lamang si Audrey dahil puro kabutihan ang sinasabi ni Ingrid sa kaniya. Huwag raw sanang mawawala si Audrey sa pamilya niya kahit wala na si Dave. Kaya itong si Stan, pagtalikod ni Ingrid, sinabi niya kay Audrey na mamahalin nito si Dave kahit wala na siya.

Nahuli ng mga terorista ang nagtatangkang tumakas na si Dave kaya pinagbubugbog siya ng mga ito. May itinatanong silang impormasyon tungkol sa kampo ng mga militar pero kahit anong torture nila kay Dave ay hindi pa rin siya nagsasalita. Later on nakatakas si Dave.

(Ang tanga naman kasi. Bakit hindi sa gabi siya tumakas no!!!)

Pinuntahan naman ni Greta si JR para dramahan. (Naku Greta get over it!!!)

Sinadya ni JR si Audrey sa grocery. Isinama siya ni JR sa isang helipad. Pag-akyat nila sa itaas, nagpropose si Dave. Nag-hire siya ng skytyper (iyon ba ang tawag sa mga nag-i-sky typing?) to spell out WILL YOU MARY ME sa ere.

Nalungkot tuloy ang stalker na si Greta habang pinagmamasdan ang dalawa.

Nakasabit si Dave sa isang sasakyan at nakarating siya sa isang residential area. May mga lalaking tumulong sa kaniya noong hinimatay ito. Nagising siya sa isang parang kubo. Pag-alis ng lalaki, may inilabas si Dave na cellphone at tinawagan si Ingrid.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!