Google
 

Bukas (Biyernes) ay bubuksan sa publiko ang House of Horror ng PBB Season 2. First 200 lang ang tatanggapin, free admission. Si Uma ang director ng mga housemates sa task na ito.




Very good housemates, convincing ang mga make-ups nyo.


Itong si Bruce, hindi ko alam kung napag-iinitan lang ni Uma o nag-iinit si Uma kay Bruce (hihi), nagpapacute lang daw ito. Kailangan galit daw, kunwari aagawin daw niya si Wendy sa kanya. Hindi daw papayag si Bruce, kaya nangigil ito kay Nel sa pag-acting.




Habang nasa activity area sila ay inutusan ni kuya si Bodie na pagplanuhin ang pagtakot kay Uma.



Inutusan ni kuya na dalhin ni Uma ang kanyang dracula costume sa storage room. Pero nakahanda na pala si Wendy at Bruce upang takutin si Uma pagpasok sa loob... ang resulta...

Aaaaaaaayyyyyyyy! Ahahahay! ApapaUMAmaw!!!!!!!!!



Sige... subukan nyong lumapit babatuhin ko talaga kayo... wahehe






Hay naku, nasisira ang beauty ko



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!