Google
 

Galit na galit si Gary sa pagpapalabas sa TV ng surveilance recording ng pagpatay niya sa kanyang ama at pagbaril kay Leo. Akala niya ay nilinlang siya ni Leo, pero ang totoo ay ang kapatid ni Isagani ang may gawa ng pagpapalabas na iyon sa TV. Sa galit ni Gary ay kunwaring binaril niya si Flor at ipinarinig iyon sa cellphone, na siya namang halos ikabaliw ni Leo.





Nagalit naman si Brigida sa ginawang iyon ni Gary. Nakikinig pala si Jo sa awayan nila na noon ay unti-unting bumabalik na ang kanyang mga alaala. Hanggang sa inawat na ni Jo si Gary. Natuwa naman si Flor at Brigida dahil bumalik na ang katinuan ni Jo.




Nababalaha naman ang mga galamay ni Gary dahil kalat na ang balitang pagpatay niya. Kumikilos na rin ang mga higher officials upang hulihin si Gary.




Samantala nasundan ni Gary si Castro, ang kanang kamay ni Gary.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!