Google
 

Siguro kapag nagkatuluyan na itong si Wendy at Bruce, malamang na away-bati sila. Mga maliliit na bagay kelangan palakihin. Paulit-ulit na paliwanagan. Hay naku. Kung hindi pa magkakasugat si Bruce ay baka hindi pa magbati ang dalawang ito.




May binigay na task si kuya upang magamit na nila ang kanilang kamay, na utos ni kuya na huwag gamitin simula ng mapilayan si Mickey. At nasugatan nga sa paa si Bruce sa task na iyon. Ang laki ng sugat ha, kailangang tahiin.




At talagang nananadya ata itong si kuya, binigyan niya ng night-out ang mga boys. Todo paranoid naman ang mga babae, partikular na si Gee-ann at Wendy.

Sa activity area ay may isang bus na nakapark. Maxim Bar-Bus, isang bus na bar ang loob. Hehe. Sinundo ng mga Maxim girls ang ating mga housemates.


Si Nel at Mickey, game na game. Si Robert nung una ay nahihiya pa, pero nang makarami ng inom, go go go na!





Si Bodie, nakatulog. Hindi ito nakasama sa mga lalaki sa utos na rin ni kuya na huwag gisingin. Nang magising ito, pumunta siya sa confession room upang humingi ng permiso na makasunod sa mga boys, na pinagbigyan naman ni kuya.


Halatang enjoy na enjoy ang mga boys sa kanilang party sa Maxim's bus. Ok itong bus na ito ha. Party on the go.


Si Bruce, pa-good boy. At ayaw talaga maki-enjoy sa mga boys. Nagsosolo ito at nang ma-bored ay mahihiga na lang sana.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!