Google
 

Galit galit pa din ang mga girls sa loob ng bahay ni kuya. Si Wendy hindi ipinagluto ang mga kasama niyang babae kaya si Bea, mag-isa kumain. Si Gee-ann ay pinapunta muna ni kuya sa secret room dahil sa tensyon at stress. (no screen caps)


Buti na lang at laging nandun si Mickey for company. Sweet naman ni Mickey.


Hindi pa din nag-iimikan sina Bea at Wendy kahit sa task na tatayo sila sa isang giant wedding cake. Kinakausap ni Bea si Wendy at puro short answers lang ang natatanggap niya dito.






Kinausap ni kuya ang dalawa sa confession room tungkol sa kung anong nararamdaman nila kay Wendy. Si kuya naman parang nananadya ay ipinarinig sa buong bahay ang mga sinasabi ng dalawa, na lalo lang ikinainis ni Wendy.


Ganun din ang ginawa ni kuya nang si Wendy naman ang papuntahin sa confession room. Ipinarinig din niya sa buong bahay ang mga sinasabi ni Wendy. Nagkulong naman ang dalawang babae sa girl's room, si Gee-ann naiiyak sa galit samantalang pailing-iling lang si Bea.





Opinyon ko lang ito ha, pero nakukuha ko ang point ni Wendy. Sa iginagawi ng dalawang housemates para ngang playing safe sila na ayaw ipakita ang mga galit, although may taong hindi lang talaga sumasalubong sa galit ng ibang tao. Sinasadya talaga ni Wendy na mapuno ang dalawa sa mga parinig nito at mga kilos. Sa mga lalaki naman, parang si Nel lang at si Mickey ang gustong magkaayos ang mga girls, si Bodie parang wala lang, lalo na si Bruce.







Si Bruce nga ay nasermonan pa ni kuya. Tinanong niya si Bruce kung anong plano niya, sagot naman ni Bruce (matagal at pautal utal pa siya nung sumagot) ay wala pa. Halata mo namang wala siyang planong makipag-ayos, or pag-batiin ang mga girls. Kaya nasabihan siya ni kuya, na ibig sabihin daw niyon ay totoo ang sinasabi ng ibang housemates tungkol sa kanya, na si Wendy lang ang focus niya. Nasabihan pa siya ni kuya, "Ito ba ang Bruce Quebral, na gustong makasama sa Big Four?". Panalo ka kuya, walang naiimik si Bruce.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!