Google
 

Tunay ngang nalalapit na ang umaga ni Flordeluna sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama na si Leo. Isang sort of a raid operation ang ginawa ni Leo upang mabawi ang kanyang mga anak at si Jo.
Ang hindi lang maganda, dahil gusto din isama ni Flor si Wilma, gustong isama ni Wilma ang kanyang mamita dahil natatakot din siya para sa kaligtasan ng kanyang lola. At dahil alam nila Flor na nakikipagsabwatan si Brigida kay Gary, ayaw sana nilang ipaalam ang balitang buhay pa si Leo at ang plano nilang pagtakas. Ngunit sa bandang huli, binigyan nila si Brigida ng pagkakataong magbago at isinama din nila. Wala na silang choice, alam na kasi ni Brigida.















All is well na sana kaya lang itong si Brigida, dahil sa takot at kalituhan, ay napilitang sabihin kay Gary ang plano nilang pagtakas, at ang balitang buhay pa si Leo. Kaya agad na sumugod ang grupo ni Gary sa bahay ng mga Alicante.




















Pagdating nila Gary sa bahay ay nahati sina Flor. Si Rene Boy at si Wilma ay nakasakay na sa van nila Leo. Sina Flor, Jo at Brigida ay naiwan sa bahay nang dumating at nagpalitan na ng putok ng baril sina Gary at ang grupo ni Leo. Kaya ang nangyari ay nakuha nila Gary sina Flor, Jo at Brigida, pati na si Isagani na nasugatan sa engkwentro.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!