Google
 

Si Uma, go go go talaga sa task niyang manira ng pagsasama sa loob ng bahay. Yung kina Wendy at Bruce, nakipagpustahan pa siya kay Bruce na hindi sila tatagal kapag lumabas na sila ng bahay ni kuya.



Pangalawa naman ay si Nel. Diretsahan talaga. Gusto niyang palabasin na may triangle between Wendy, Bruce and Nel. Pangiti-ngiti lang naman si Nel, at si Bruce ay patingin tingin lang. Ni hindi nagreact itong si Nel na ewan kung nahuli ba siya ni Uma o naaantipatikuhan na ito sa kabaklaan ni Uma. Sabunutan na lang para Bongga!









At talaga namang hindi tinigilan si Wendy, pati sa swing area ay todo tsika itong si Uma. Kesyo nagkita daw si Bruce at ang ex nito, na hindi pa naman daw talaga ex kungdi GF pa din, etc. etc. Itong si Wendy naman ay wendang na naman...



Mukhang stressed na talaga si Gee-ann at miss na miss na ang kanyang mga mahal sa labas ng bahay ni Kuya, kaya nagnanais na naman itong umalis ng bahay. Tama ba naman yun, kung kailan 3 weeks na lang ang kanyang titiisin, malakas naman siya sa mga manunuod a, madalas nga siyang nanonominate at naililigtas e... Anyways there is always Mickey to comfort her... go Triangle!





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!