Google
 

Isang nakakatuwang usapan with the exes ang nangyari kagabi, na parang wala lang ung Battle of the Exes nung Lunes kasi mas maganda ang ibinigay na chance ni Kuya para kina Bea at Gee-ann. Isang 100second video conference ang ibinigay ni kuya para kay Bea at Ackie, at para kay Gee-ann at Miggy.




Nakakatuwa si Bea dahil kilig na kilig siya sa mga kaganapan.



After ng 100 second na video conference, pinagbigyan ni kuya ang hilig ni Bea na mayakap si Ackie. Kakakilig! Bagay na bagay sila in fairness. Sana mag-work out muli ang relationship nila. Yung yakapan nila ay talaga namang kay higpit.



After magyakapan ay pinagbigyan ni Kuya na makita ni Bea si Ackie. Kaya tinanggal ni Bea ang kanyang blindfold at parang namalikmatang tuwang tuwa sa pagkakita kay Ackie.


After nila Bea ay sina Gee-an at Miggy naman. Very casual ang naging usapan nila.



At nung dumating ang pagkakataon para mayakap nila ang isa't isa, parang ayaw gumanti ng yakap nitong si Gee-ann. At hindi rin siya convinced sa pagyakap ni Miggy.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!