Google
 

Hmmm... to much hype about nothing... ang Battle of the Exes ay labanan ng mga naging ex ng ilan sa mga kontrobersyal na housemates sa loob ng bahay ni kuya - Si Bruce, Bea at si Gee-ann.

Ackie - Ex ni Bea. Sabi ni Bea she's been dumped by this guy na mas matanda sa kanya actually.

Miggy - Ex ni Gee-ann. In fairness, medyo maganda ang built ng katawan. Hehe.


Dyeysi - Ex ni Bruce. No Comment. Period.







Ang gameshow host ay si Manny Poohquiao. Ang goal ng mga exes ay makasagot ng tama sa mga compatibility questions. Bawat tamang sagot ay isang hakbang pababa ng housemate na ex nila. Unang housemate na makababa ang siyang panalo.


Parang hindi pinaghandaan ang naging labanan ng mga exes kasi medyo magulo ang naging takbo ng game. In fact hindi na nila hinintay na makarating sa ibaba ang housemates, kung sino na lang ang pinakamalapit sa kanilang ex ang magkakaroon ng 100 seconds na pagkakataong makapagusap.

At talagang parang sinadya ng tadhana na manalo ang mag-ex na si Bruce at Dyeysi. Kaya nagkaroon ang dalawang ito ng 100 seconds upang makapagusap at linawin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa kanilang dalawa.






Masakit sa part ng babae ito ha. Being discreetly dumped in Philippine television pa. Tama ba ko? Actually hindi ako makaconcentrate sa panonood kasi... hay naku no comment na lang talaga... ay sus.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!