Google
 

Nagkita na at naging magkaibigan ang mga batang sina Andrew at Ysay (Ysabella) sa sementeryo (of all places). Si Andrew ay si Ryan Agoncillo paglaki. Anak siya ni Victoria.



Habang nasa sementeryo ang mag-iinang Rosario, kapalit ng kalayaan ni Norman (Christian Vasquez) ay ang recipe ng Chicken Inasal ni Rosario, na kanyang kinuha habang wala sa bahay ang mag-iina.


At nakuha nga ni Victoria ang recipe ni Rosario, at sa launching nito ay ipinangalan niya ang recipe na ito sa kanya, ang "Victoria's Chicken".


Nagkataon naman na nanalo sa Jai-alai ang kumare ni Rosario na si Trinidad (Nadia Montenegro, to be later played by Gina PareƱo). Inilibre niya ang mga ito sa Florencia.



Napansin nilang nakalaya na pala si Norman.


At nang tikman ni Rosario ang specialty na manok, agad niyang nalasahan na recipe ito ng kanyang mga kalola-lolahan.




Dali-dali siyang umuwi upang tignan ang recipe notebook niya, at dito niya napansin na punit ang pahina kung saan nakasulat ang Chicken Inasal recipe.


Sinugod niya si Victoria. Nagkaroon sila ng matinding pagtatalo at nagkatulakan sa hagdanan. Dito nahulog si Rosario na siyang ikinamatay nito.











Inilayo ni Victoria ang bangkay at si Norman ay ipinalabas na namatay sa aksidente.




At sa loob lang ng dalawang episode ay lumaki na si Ysay at naging si Judy Ann Santos na (hehe). At dito na magsisimula ang istorya ng Ysabella, "Ano ang tunay na lasa ng pag-ibig?"


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!