Google
 

Etong si Uma walang magawang matino sa loob ng bahay ni kuya. Sabagay nakabawi naman ang mga housemates sa kanya dahil napakamatatakutin nitong si vaklush Uma. Hehe. Bago pa man siya umalis ay may interview session muna siya ala Home Boy. Siyempre pa ang kanyang binuwisit ininterview ay ang controversial triangle (hindi ung triangle ni Gee-ann) ni Bruce, Wendy at Nel. Hehe. The usual topic pa din, ung pagkikita ni Bruce at ex niyang si Dyeysi.



Super affected itong si Wendy na nauwi na naman ang dalawa sa walaaaanngg kakwenta kwentang paliwanagan at tanungan. Na sa bandang huli ay nagkaayos naman ata. Ewan ko senyo.




Bago pa man umalis si Uma ay may simpleng wine party muna sila ng mga housemates, ngunit pahirapan ang pagkuha dahil may kapre sa storage room, syempre pa scared to death ang jokla ever. Hehe.



Ahahay!!!! Kaaapppwweee!





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!