Google
 

Nagkakagulo na ang mga housemates dahil na rin sa pagpaparinig ni kuya ng naganap na survey kamakailan. Lalong naging tensyonado ang bahay sa part na ipinaparinig ni kuya ang tungkol sa kung sino ang plastik sa loob ng bahay. Si Wendy, parang hindi apektado ke marinig ng mga housemates ang kanyang mga sinabi noon.



Si Bea, defensive naman, mega explain kay Wendy. Tinanggap naman ni Wendy ang mga paliwanag ni Bea (me hugs pa sila).


Si Gee-ann hindi matanggap ang mga narinig at lumabas ito upang umiyak. Dinamayan naman siya ng isa sa kanto ng kanyang "triangle" na si Mickey.

Sa confession room inilabas ni Gee-ann ang kanyang sama ng loob. COnfidential ang ilan sa mga sinabi ni Gee-ann, ngunit yung ibang sinabi niya ay ang tungkol sa muling pagpasok ni Wendy, unfair daw iyon dahil nakaesperience na siya ng buhay sa outside world, tapos pumasok ulit sa bahay ni kuya. Isa pa ay namamanipulate na daw ni Wendy ang ibang housemates, nagiging "god" na daw siya sa loob ng bahay.


Kaya ngpasya si kuya na magpahinga muna sandali itong si Gee-ann sa secret room. Hanggang doon ay dinamayan pa din siya ni Mickey (malamang ipinatawag ni kuya).




Paglabas nila ng confession room ay sinalubong sila ni Wendy at Bruce at ng ibang housemates (o di ba, speaking of plastik hehe).


Pero sa labas ng swing area, ng tumabi itong si Wendy kay Gee-ann, hindi nakaya ni Gee-ann ang kanyang presence kaya nagkunwaring magc-CR ito, ngunit gusto lang makalayo kay Wendy.



Isa pang sanhi ng pagkakagulo ng mga housemates ay ang pagpili ng mga housemates kung sino sa kanila ang hindi na maaaring makasama sa Big Four na matitira. Tatlong housemates ang babanggitin ng bawat isa. Hindi na ipinakita ni kuya ang nominations ng ibang housemate, ewan kung bukas iyon ipapakita.

Gee-ann nominated Bruce, Wendy and Nel.



Bea nominated Bruce, Wendy and Bodie.



Si Wendy naman ay si Bodie, Mickey at Bea. Yes si Bea, dahil sa mga rasong binaggit ni Bea kung bakit hindi na maaaring makasali sa Big Four itong si Wendy. Ineexpect ko pa naman na si Gee-ann ang sasabihin ni Wendy.





Nakakaawa naman si Bodie... hindi naman niya kasalanan na anak siya ni Tirso Cruz III, reason kasi nila ay hindi naman na daw kailangan ni Bodie na manalo dahil mayaman na sila. O di ba.



Kung nung una ay tinanggap ni Wendy ang mga explanations ni Bea, this time, hindi na. Galit itong si Wendy kay Bea.



Sa labas ay nagusap usap itong triangle ni Bruce (Wendy, Bruce, Nel). Sa kanila na lang daw ang pagkapanalo. Hindi daw siya plastik sabi ni Wendy. Si Bruce ayuda lang naman ng ayuda kay Wendy. Hay... ewan ko senyo...


Si Gee-ann, bigla na lang nagtatakbo at nagkulong sa CR. Ano kaya ang nangyayari sa kanya?

Kaya iboto nyo na kung sino ang gusto ninyong matira para sa Big Night at the Big Dome na magaganap sa June 30. Sa Sabado, June 24 ang 10th eviction. Sa Martes naman, June 26 ang 11th eviction at sa Huwebes, June 28 ang 12th and last eviction.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!