Google
 

Malala na ang nagyayaring hindi pagkakaintindihan sa loob ng bahay ni kuya, partikular ang mga babaeng housemates. It's Wendy versus Bea and Gee-ann.







Si Gee-ann hindi nakayanan ang mga nangyayari at tumakbo sa CR pero sinundan siya ng kanyang mga ka "triangle".



Sa labas naman ay ang "triangle" ni Bruce na si Wendy ay Nel, kasama si Bodie. Pero Wendy di ba binoto mo yang si Bodie dahil hindi na nya kailangan ang pera.



Pagkatapos ay pumunta si Gee-ann sa prayer room at sinamahan siya nila Bodie at Nel. Ngunit itong si Wendy, hindi mo alam kung me toyo lang talaga o dahil maraming nainom, pinuntahan pa si Gee-ann at kung anu ano ang mga sinabi. Hindi na nahiya, nasa loob ng prayer room...







At talagang pumunta pa si Wendy sa labas upang silipin lang ang pag-uusap ni Mickey at Bea, ngunit laking gulat niya nang makitang ang lahat ng ibang housemates ay magkakatipon doon. Lalo lang siyang nag-uumarte nag-ngunguyngoy dahil feeling niya pinaguusapan siya.








Pag-gising sa umaga ay asar pa din si Wendy sa dalawang babaeng housemates at ipinapakita niya ito sa bawat kilos niya, at walang tigil ang parinig na kahit si Mickey ay hindi na natutuwa. Si Bruce wala namang magawa. Deadma lang si Bea at Gee-ann, pero kung ako ang nasa katayuan nila, isang malutong lang na sampal kay Wendy, tapos magbo-voluntary exit na ako. Ok na ko dun, at least nakasampal hehe.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!