Google
 

Natapos na ang sineseryeng kinatatampukan ni Heart Evangelista, ang Hiram na Mukha. Isang deal ang inihain ni Hugo kay Mendez upang layuan na nito si Carissa, ngunit hindi pumayag si Mendez.



Nalaman ito ni Rose kaya galit na kinausap nito si Hugo, ngunit hindi naman nakipag-usap si Hugo.


Nagpunta sina Hugo at Carissa sa resort upang lumayo sa mga tao at kay Mendez. Pinaalis niya lahat ng tauhan niya sa resort upang walang mahingan ng tulog si Carissa.




Si Hugo naman, gustong angkinin na si Carissa. Ayaw naman ni Carissa kaya nagpanlaban ito kay Hugo. Buti na lang at dumating si Mendez sa resort. Nakipaglaban ito kay Hugo, ngunit may baril pala itong si Hugo at binaril niya si Mendez.








Naghanap naman ng telepono si Carissa, nang siyang dating nila Rose at Morita. Tangka nitong gumanti, si Rose kay Hugo at si Morita kay Carissa. Plano ni Rose na patayin si Hugo, at itong si Morita ay ang papangitin muli si Carissa.



Ngunit hindi nagtagumpay ang dalawa. Si Morita, nang bubuhusan na niya ng asido ang mukha ni Carissa, ay siya namang pagdating ni Hugo. Kay Morita tumilapon ang asido. Si Rose naman, nabaril nga niya si Hugo, ngunit kumapit si Hugo sa kanya, at sabay silang bumagsak sa hagdanan, na ikinamatay nila pareho.









Si Mendez naman, ay buhay pa.



Ibinalik na ni Carissa ang titulo ng lupa sa kapitana.





At happy ending na ang istorya nila Mendez at Carissa.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!