Google
 


Balik telenovela muli si Judy Ann Santos and this time isa siyang magaling na kusinera sa seryeng "Ysabella". Reminds me of Jewel in the Palace dahil sa lutuan din ang tema, with matching explanations sa pagprepare ng pagkain. Si Celine Lim ang pumapel na child Ysabella. Rosanna Roces plays Rosario, the mother of Ysabella. May kinakasama siyang lalaki played by Christian Vasquez, who works as a cook sa Florencia's Restaurant.






Isang araw habang nagtitinda si Rosario sa may Recto area ay nagkaroon ng hulihan ng vendors at nahuli si Rosario. Si Christian Vasquez ay nakagawa ng paraan upang makapagpyansa at mailabas ng kulungan si Rosario, lingid sa kaalaman ng huli ay kumuha ng pera si Christian sa Florencia's. Nakulong si Christian dahil dito.


Maricel Laza plays the younger Victoria (Coney Reyes), chef sa Florencia's na kasosyo ang asawa niyang namatay na.


Bilang pakiusap na huwag ituloy ni Victoria ang pagsampa ng kaso ay nagdala itong si Rosario ng kanyang specialty na Chicken Inasal. Ngunit pinalayas lang sila ni Victoria.




Samantala ay nanganganib na maisara ang Florencia's Restaurant dahil sa hindi magandang turn-out ng income, hindi kasi ganung kagaling magluto si Victoria. Nakaisip ng paraan itong Victoria nang matikman niya ang dalang manok ni Rosario.




Bilang kapalit ng paglaya ng lalaki ni Rosario ay ang recipe ng manok na niluto niya. Atubili man ay pumayag itong si Rosario, ngunit hindi muna niya ibinigay ang recipe hangga't hindi nakakalaya si Christian.

Pero nalaman ni Rosario na may asawa na pala itong si Christian kaya nagalit ito, at hindi na nito ibinigay ang recipe kay Victoria.





Sa halip ay inihabilin niya ang recipe book kay Ysabella.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!