Google
 

Isang girl's night out ang ibinigay ni kuya sa tatlong babaeng natitira sa loob ng kanyang bahay. Ngunit siyempre malungkot naman kung sila lang, ang bawat isang housemate ay may espesyal na bisita.


Kay Gee-ann, ang kanyang kapatid na si Guinevere.


Kay Bea, ang kanyang pinsan na si Chim.

At kay Wendy, ang best friend nyang si Ewa (Edward). Kaya naman pala ganun kumilos si Wendy. Parang bading. Echos!


For me mas masaya ang naging night out ng mga girls, kasi may live band, very alive ang party. Pwede pa sila maki-jamming.






May sorpresa pang ibinigay si kuya para sa mga girl housemates. Ang mga boy housemates, pinag-strip tease ni kuya! Pang-itaas lang naman...




Samantala si Nel ay muling nakabalik sa loob ng bahay ni kuya. Hmm... arte nga lang kaya ang pananakit ng dibdib ni Nel? Aminin mo na kasi ang totoong nararamdaman mo... Peace!




Nung makauwi na ang mga bisita ng girls, silang tatlo na lang ang nagparty. Ang hindi nila alam ay naririnig ng mga boys ang kanilang pagkanta.


And after a while, pinajoin na ni kuya ang mga boys sa night out ng mga girls. Party time!




Speaking of bading (ay, baket), ipapasok muli ni kuya sa loob ng kanyang bahay ang isang dating housemate mula sa unang season ng PBB, si Uma Khouny. Layunin nitong hitad na ito ang pag-awayin ang mga housemates dahil sa tingin niya ay hindi nila ipinapakita ang kanilang tunay na pagkatao. Isa sa aawayin niya ay si Robert na nabanggit ang kanyang pangalan sa isang usapan dati, at eeksena siya sa sabi niya ay "triangle" na sina Wendy, Bruce at Nel. At talaga namang may naaamoy ka ba kay sister Nel? Hay naku Uma, bakla ka nga talaga. Peace!


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!