Google
 

Super close na nga talaga itong sina Mickey at Gee-ann. Mukha namang bagay sila di ba. At parang sinasadya ni Big Brother ng tadhana na magkabunutan sina Mickey at Gee-ann, at sina Bruce at Wendy.

Wala lang, candid moment.

Ang gagawin nila Mickey ay maggugupitan sila ng buhok. Actually si Mickey lang ang gugupit kay Gee-ann, pero after magupitan si Gee-ann ay innutusan siya ni Kuya na siya naman ang gugupit ng buhok ni Mickey.



At habang naggugupit ng buhok itong sina Mickey at Gee-ann ay nag-aaway naman itong sina Wendy at Bruce. Nagseselos pala itong si Wendy dahil napapadalas ang paglapit ni Bruce kay Gee-ann, alam pa naman ni Wendy na isa sa mga crush nitong si Bruce si Gee-ann. Actually nagseselos itong si Wendy hindi naman niya inaamin kahit na paulit-ulit sila ni Bruce sa tanungan to the point na nakakairita na sila.



Humingi naman ng dispensa itong si Gee-ann, pero sabi ni Wendy hindi naman daw siya galit kay Gee-ann kungdi kay Bruce, dahil si Bruce naman daw ang lapit ng lapit kay Gee-ann. Ay naku, kakawendang ka na.



At ang pinaka-ending naman pala ay magbabati din sila. Aysusmaryosep kayo... Scripted ba?


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!