Google
 

12th and last Eviction na ito for this season of Pinoy Big Brother. And para maging credible ang kanilang naging bilangan ng votes, ay may representative pa from SGV, isang auditing firm. Dapat dati nyo pa ginagawa yan...


Limang housemates, isa ang matatanggal. Sino kaya? Wendy, ikaw na kaya?

Unang nailigtas ay si Gee-ann.



Ang sumunod na tinawag ay si Beatriz.




Pangatlong tinawag ay si Wendy. What?!?! Wendy?!?! And the crowd goes wild.





Sa dalawang natira ay medyo obvious na kung sino ang matatanggal. Yup, si Bodie ang 12th Evicted housemate. Sayang, kahit papaano deserving siyang mapasama sa Big 4.







Paglabas ni Bodie ay hindi iba ang isinisigaw ng taong bayan - "Wendy Labas!! Wendy Labas!!". For sure tuwang tuwa ang ABS-CBN sa reaksyon ng taong bayan. Pag-uusapan na naman sila kinabukasan.


Ibinigay ng representative from SGV and envelope na naglalaman ng percentage of votes para sa 12th Eviction.
Narito ang percentage ng votes:

Pansin nyo ba, medyo malayo si Wendy sa kanila? Guilty ka ba, or natatakot?

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!