Google
 

It's the face-to-face encounter of the other halves. Nagkita sa hindi inaasahang pagkakataon ang mga asawa nila Melanie at Noel na sina Ronald at Cynthia. Noon lang nila nalaman na sa iisang building lang nagtatrabaho ang kanilang mga asawa kaya hindi nila napigilang pagdudahan ang dalawa.











Alam nila Noel at Cynthia na nanduon ang kanilang mga asawa kaya gumawa sila ng isang plano upang hindi sila makita. Ngunit mas mautak si Cynthia at nakorner nya si Noel. Ngunit nagalit si Noel at hinila niya ito palayo kay Ronald.




Si Ronald naman ay kinausap ang kanyang ama tungkol sa pagtatrabaho sa kanilang kumpanya ni Noel, ngunit hinamon lang ng kanyang ama ang kanyang pagkalalaki upang hamunin ang kanyang asawang si Melanie. Kaya bugbog at masasakit na salita ang inabot ni Melanie kay Ronald pag-uwi nito.





Si Cynthia din ay panay ang interview kay Noel nung sila ay kakain na, ngunit hindi siya pinansin ni Noel at nag-walk out ito.



Nang hindi makuntento kay Noel, si Melanie naman ang sinugod nito sa opisina. Abangan ang kanilang umaatikabong dakdakan.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!