Google
 

Tatlo sa mga teen housemates ang gagraduate at magmamartsa sana ngayon, pero dahil nasa loob sila ng bahay ni Kuya ay hindi sila makaka-attend ng kanilang mga graduation rites. Kaya naman isang special task ang ipinagawa ni kuya kina Ejay, Valerie at Josef, ang makagawa ng 1,500 spiral notebooks.


Ngunit sa kasawiang palad ay hindi nakagawa ng 1,500 na notebooks ang mga teen housemates sa takdang oras, kaya naman bigo ang mga housemates na bigyan ng special graduation ang tatlo sa kanilang mga kasamahan. Pero may pag-asa pa, dahil lingid sa kaalaman ng mga na-depressed na teen housemates, ay ang mga guardians nila ang gagawa ng mga notebooks.

Samantala, isang nakakatuwang "Get to know my parents" ang ipinagawa ni kuya sa mga teen housemates. Binigyan ni kuya ng mga damit ng kanilang mga magulang ang mga teen housemates, at kailangang umarte sila katulad ng kanilang mga magulang, at idescribe ito. Hindi nila alam na nanunuod sa kanila ang kanilang mga magulang.


Tapos na ang task ay tuloy pa rin ang mga housemates sa pagkwento ng kanilang mga parents, karamihan sa kanila ay hindi na napigilan pang mangulila at nagnais na umuwi.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!