Google
 

Tumungo na ang mga Kung Fu kids kasama si Master Kung sa Pista ng mga Higantes sa Rizal. Hindi inaasahan ng mga kung fu kids na makikita nila roon ang mga magulang ni Sarah.


Dahil naroroon na rin lang sila sa Rizal, hinanap na ni Benjo ang kanyang mga magulang sa address na nakalagay sa birth certificate niya. Pero hindi na pala doon nakatira ang kanyang ina. Ngunit ibinigay kay Benjo ang mga naiwang gamit ng inang si Carmen.



Nakita naman nila Lem at Chubbs ang kanilang pakay roon, ang Lotus, na nakakabit sa isang higante. Nang kukunin na ito ni Chubbs, isang shadow ninja ang mabilis na dumaan dito at nakuha ang Lotus.

Itatakas na sana ng ninja warrior ang Lotus pero tinira sila ni Jazz. Nakuha ni Jazz ang Lotus, pero bigla namang dumating sina Lem, Chubbs at Master Kung. Inakala nilang itatakas ni Jazz ang Lotus.









0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!