Google
 

Tinanong ni Albert kung ano ang pinapagawa sa kanya ng kanyang ina. Sinabi ni Homer na pinapahanap sa kanya sina Ysay. Tinanong ni Albert kung nakita na niya ito. Nasa La concordia raw ang mga ito, sa kamaganak ni Trinidad. Dahil dito ay tinawagan niya sina Burdoy upang bantayan ang mga kamaganak ni Trinidad.





Isang gabi ay nagiinuman sina Burdoy at ang mga trabahador sa farm ay napadaan sa kanila si Ysay. Habang nakikipagkwentuhan si Ysay sa kanila ay may napansin siyang hawak ng isang trabahador. Tinanong niya kung ano iyon at sinabi ng isa sa mga umiinom na iyon ay ang tabon tabon. Biglang naalala ni Ysay na minsan ay ginamit iyon ng kanyang ina. Kaya dali-dali ay sinubukan niya ulit gawin ang kinasal na manok ng kanyang ina.










Naluto ang manok, ngunit hindi nila natikman. Tuwang tuwa si Alex dahil natanggap siya sa banda na ipinagrekomendahan ni Albert. At dahil mga nadala sa luto ni Ysay kamakailan na hindi masarap ay hindi nila natikman ang manok. Hindi rin natikman ni Ysay ang kanyang niluto.



Isang gabi habang nagaayos ng mga reports sina Victoria at Albert ay tinanong ni Victoria si Albert tungkol sa love life nito. Naalala pa ni Victoria ang isang insidente kung saan nang tawagan niya ang cellfone ni Albert ay babae ang nakasagot at kaboses daw ni Ysay (si Ysay talaga ang nakasagot ng tawag na iyon). Hindi naman umiimik si Albert sa buong paguusap nila. Gusto ni Victoria na magconcentrate si Albert sa farm upang matuloy ang pangarap ni Andrew.



Habang nagaayos din si Lima ng kanyang reports ay pinuntahan siya ni Jordan sa opisina nito upang magpasa ng ilang kakailanganing dokumento. Nagpresinta ang binata na tulungan si Lima, na tinanggihan naman ng dalaga. Sinabi ni Jordan na hindi naman niya nais na magkabalikan sila ni Lima, nais lang niyang maging magkaibigan silang muli, ngunit iniiba ni Lima ang usapan. Kaya napilitan na lamang lumabas ng binata. Ngunit sa kaibuturan ng kanilang mga damdamin ay mayroon pa ring silang pagtingin para sa isa't isa.




Sa meeting ay nabuksan ang topic tungkol sa pagcancel ng kontrata kay Fernando (Juan Rodrigo) bilang photographer para sa marketing ng kanilang kompanya. Kumontra ang members ng board, maganda ang reputasyon ni Fernando at maganda raw ang maikocontribute nito sa marketing ng company. Sumangayon naman si Victoria dito, na lihim na ikinabigla ni Lima.





Sa kabilang banda, sa kagustuhan marahil ni Mito na makapag-move on, ay sinisubukan niyang magustuhan si Venice. Gumagawa siya ng mga paraan para mas lalong mapalapit dito. Ikinatuwa naman ito ng dalaga.





Kinumusta ni Albert ang pinagagawa nito kina Reno at Burdoy. Ok na daw sabi ng mga ito.


Si Albert naman ay unti-unti nang nahuhulog kay Ysay.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!