Google
 

Pinatitigil ni Gillian ang pag-aaway ng dalawa. Nagalit si Gillian kay Andrew dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi nito. Humihingi naman ng dispensa si Andrew pero hindi ito tinanggap ni Gillian. Nakita ni Mark ang pagtatalo ng dalawa kaya sinubukan nitong kausapin si Gillian. Nagawa lang daw ni Andrew ang magsinungalin dahil sa mahal siya nito.







Pinipigilan naman ni Patria ang paglayas ni Tina, ngunit sa labas ay umatake ang kanyang sakit at siya ay humandusay sa lupa. Tiyempo naman ang pagdating ni Bernardo kaya binuhat niya ito papuntang ospital. Sa ospital ay sinabihan siya ng doktor na kailangan ni Patria ang magpa dialysis, na aabot sa P25,000 ang maaaring gastusin sa loob lang ng isang linggo.





Kahit na magkaaway sila ay ibinigay pa din ni Andrew ang singsing kay Gillian. Ngunit kinabukasan ay ibinalik niya ito kay Andrew. Kailangan daw ayusin ni Andrew ang kanyang buhay, at kailangang magpakatatag at magtiwala. Nagmamakaawa naman si Andrew kay Gillian dahil hindi nito kaya ang mawala ang dalaga.







Dahil sa patong-patong na problema ay hindi na nakapagconcentrate sa kanyang pag-aaral si Andrew at bumagsak ito sa exam. Kahit anong lapit niya sa mga professor ay hindi na siya napagbigyan pa.



Kinabukasan ay umalis ng maaga si Andrew, ngunit iniwan nito ang kanyang mga class cards. Siyempre pa ay nagalit ang kanyang ama. Pero sumingit sa usapan si Gillian at sinabing maaaring hindi makaconcentrate sa pag-aaral si Andrew dahil sa ginugulo ng kanyang mga magulang ang pag-iisip ni Andrew, dahil sinasabi nilang anak nila si Andrew. Naguguluhang nakatinginan ang mag-asawa sa tinurang iyon ni Gillian.





At dahil sa sinabing iyon ni Gillian ay nagpasya itong si Rose na puntahan si Patria.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!