Google
 

Nakita ni Rose si Carla habang hinahatid ito ni Gillian palabas. Naalala ni Rose na anak ni Minerva itong si Carla, kaya naman nagalit ito kay Gillian at sinabihang hindi na siya pag-aaralin.





Kinausap ni Mike si Rose tungkol sa pasya niyang ito. Masyado daw unfair si Rose at makitid na ang utak. Ganti naman ni Rose na kagagawan nila kaya naging ganoon siya. Hindi na siya magpapaloko ulit.


Matapos si Mike ay si Andrew naman ang kumausap kay Rose. Ginamitan ni Andrew ng psychology si Rose at mukhang gumana naman. Miss na daw ni Andrew ang dati niyang mommy.



Nagkaroon naman ng pagkakataon na magusap sina Andrew at Mark dahil na rin sa paghinto ni Gillian sa pag-aaral. Sinabi ni Andrew na tulungan si Gillian tutal naman daw ay girlfriend niya ito. Dito ay sinabi ni Mark na binasted siya ni Gillian.


Habang tumatagal ay lumalala ang kondisyon ni Patria. Napapansin ito ni Bernardo at pinapatigil na niya si Patria sa pagtitinda. Ngunit ayaw tumigil ni Patria dahil para daw ito sa kanyang mga anak.


Natuwa naman si Andrew dahil muling pag-aaralin ni Rose si Gillian. Tuwang tuwa ang dalawa lalo na si Gillian habang tinitignan ang kanilang mga uniporme. Natuwa din si Rose sa nakitang kasiyahan ng anak.



Isang araw ng pauwi na si Andrew mula sa eskwela ay nakita niya si Patria. Nilapitan niya ito at sinabihang huwag na silang guguluhin. Napahiya naman si Patria at nalungkot sa inasal ni Andrew.




Kinuwento ni Andrew sa kanyang ama ang pagkakita niya kay Patria nang sa biglang dumating si Rose. Iniba ni Mike ang usapan at niyaya si Andrew at si Rose sa Baguio dahil may dadalhin siyang papeles kay Emma. Isinama na rin ni Mike si Gillian para makapag-unwind silang lahat.



Excited naman si Gillian dahil hindi pa siya nakakapunta sa Baguio. Pero irita naman si Andrew dahil baka lang daw gusto niyang makita si Mark.




Sa Baguio naman ay naiwan sa bahay si Mark at Trish dahil may aasikasuhin ang mga magulang nila. Dun din mag-aaral si Trish katulad ni Mark, at hindi gusto ni Mark ang idea na iyon dahil ayaw niyang maugnay kay Trish.





Nang aalis na sila papuntang Baguio ay ayaw nang sumama ni Rose at nagdadahilang masama ang pakiramdam. Ngunit inamin na din niya kay Andrew na hindi pa siya handa upang muling makipagayos kay Mike.




Sinabi ito ni Andrew at pinayuhan ang ama na huwag nang ituloy ang pagpunta nila sa Baguio at magstay na lang sa bahay. Pumayag naman si Mike, ngunit dahil kailangan nila Emma ang papeles ay inutusan niya si Andrew na dalhin ito sa Baguio at isama na lang si Gillian.



At sa unang pagkakataon ay magkakasama sama sa iisang bubong sina Mark, Trish, Andrew at Gillian.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!