Google
 

Nakita ni tsang Trinidad ang halikan nila Ysay at Andrew (Albert). Nagalit ito sa kanila. Kinausap niya si Ysay at pinagsabihan na baka maulit lang ang nangyari sa kanila ni Mito dati. Layuan na raw niya si Andrew. Hindi naman daw siya kayang ipangtanggol nito sa kanyang inang si Victoria. Pinuntahan din ni Trinidad si Andrew (Albert) at pinagsabihan.






At dahil nga nasa technological age na tayo, usong uso ang cellfone sa mga eksena sa telenovela. Hehe.

Phonecall # 1 - Tinawagan ni Lima si Albert dahil napahiya ito sa ginawa ng kanilang ina sa board meeting. Ang rason naman talaga ni Lima kung bakit ayaw niya kay Fernando Montalban ay dahil sa nakita nitong pagwawala ng kanyang ina ng magkita ang dalawa. Ngunit hindi siya inayudahan ng kanyang ina bagkus ay sumanggayon pa ito sa mga suggestions ng board na huwag alisin si Fernando bilang photographer. Nababahala si Lima dahil bumalik na raw ang dating Victoria Amarillo - ang powerful na si Victoria Amarillo.



Phonecall # 2 - Tinawagan ni Victoria si Fernando upang magkita sila. May ipapagawa ito kay Fernando.

Phonecall # 3 - Isang lalaki ang tumawag ay Trinidad at pinapapunta siya kung gusto daw niya. (dialogue unclear).

Nang gabing iyon ay nag-isip isip si Ysay kung ano talaga ang kailangan niyang gawin. Pinayuhan siya nila Reno ay Alex. Sa bandang huli ay napagtanto niya na maaaring mas makabubuti nga kung aalis na lang sila at lalayo kay Andrew (Albert).


Dumating galing abroad ang pinagsanglaan ni Venice ng titulo ng lupa ni Mito. Ibinabalik na niya ang titulo kay Venice ngunit wala pa raw pera si Venice. Ang palagay naman ng kaibigan ni Venice ay ayaw lang niyang umalis si Mito kung sakaling maibabalik na niya ang titulo ng lupa.



Pinuntahan na ni Victoria ang bahay ni Fernando Montalban. Kinausap niya ito tungkol sa isang bagay na ipagagawa sa kanya ni Victoria. Huwag na raw nilang alalahanin ang nangyari sa kanila ng nakaraan. Nalungkot naman si Fernando dahil akala niya ay ang sadya ni Victoria ay ang makipag-ayos. Ngunit galit pa rin pala sa kanya si Victoria, at kailangan lang niya ang serbisyo ni Fernando.





Dahil sa magsisimula na ang business nila Ysay na tocino, longganisa etc., nagtawag sila Reno at Burdoy ng mga interesadong mag-trabaho. Hindi alam ni Ysay na tatanggap pala sila ng mga tauhan dahil ang alam niya ay wala pang pang-capital si Andrew (Albert).




Pinuntahan ni Trinidad ang lalaking tumawag sa kanya. Ito ang bahay na may fountain sa may bakuran, ang fountain na nasa painting ni Rose na nakita nila Ysay at may nakasulat na "Moonlight". Ngunit laking gulat ni Trinidad nang makita niya si Victoria sa loob.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!