Google
 

Sinubukan ni Ysay na gawin ang chicken inasal ng kanyang inang si Rosario. Ito ang recipe na ninakaw sa kanila ni Victoria. Ngunit may kulang sa mga rekado at hindi ito maalala ni Ysay, kaya bigo na naman siyang gayahin ito.




Sa loob ng bahay ay pinagusapan nila Ysay at Alex ang tungkol sa magiging business nila ni Andrew (Albert) na mga tocino, longganisa atbp. May nakitang pwesto sa palengke si Ysay na maaari nilang pagtindahan, ngunit ito pala ay wala sa plano nila ni Andrew. Lihim namang nakikinig sa usapan nila si Reno.


Natutuwa naman ang doktor ni Victoria sa nakikitang improvements nito. Sinabi naman ni Albert na malaki ang naitulong ng naging pagdalaw ng lola nya sa kanyang ina, na pilit naman itinatanggi ni Victoria. Wala daw siyang mga kautangan ng loob sa ibang tao. Ngunit mapilit itong si Albert at niyaya pa niya itong dalawin ang kanyang lola.


Bago sila pumunta sa ina ni Victoria ay may ipinagawa ni Victoria kay Homer. Pinapahanap niya si Ysay dito, kailangan na raw magbayad ang mga may utang.


Medyo atubili sa mga kilos itong si Victoria, mukhang may itinatagong damdamin. Pagkakita sa ina ay humingi na ito ng tawad, na ikinatuwa naman ng matanda. Pinapasok sila sa loob, ngunit si Albert ay nagpaiwan na lamang sa labas kaya si Victoria lang ang pumasok.




Pagpasok ng dalawa ay saka lamang naglabas ng totoong pagkatao si Victoria. Ginawa lang niya itong palabas para kay Albert, kaya itigil na raw ng matanda ang pag-arte nito. Hinagisan pa siya ni Victoria ng maraming pera, at pinagbawalan na huwag lalapit sa kanyang mga anak.




Nang aalis na si Victoria ay tinawag siya ng kanyang ina at nagpasalamat. Pagkalabas ni Victoria ay saka ibinuhos ng matanda ang sakit na ipinaramdam sa kanya ng kanyang anak.




Gusto pa sanang magpaalam ni Albert sa kanyang lola ngunit pinigilan na siya ni Victoria.


Pag-uwi nila ay ipinahakot na ni Victoria ang mga gamit ni Andrew. Nakita ito ni Albert kaya kinausap niya ang kanyang ina. Panahon na raw para makapag-move on sabi ni Victoria, ngunit hindi pa rin niya maaaring makalimutan si Andrew. Pagdating ni Homer ay kinumusta ni Victoria ang ipinagagawa nito sa kanya, at hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Albert.






Kaya matapos ang usapan ni Homer at Victoria ay kinausap ni Albert si Homer at itinanong kung ano ang ipinapagawa ng kanyang ina sa kanya. Inamin naman ni Homer na ipinapahanap sa kanya ni Victoria si Ysay, at alam na niya kung nasaan ito.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!