Google
 

Nagalit si Albert sa pakikialam ng kanyang ina sa mga "plano" nito kay Ysay. Sabi naman ni Victoria ay isa nga itong magandang oportunidad para sa kanya dahil sa kapag bagsak na sila Ysay, wala itong ibang lalapitan kungdi sa kanya, kay Albert. Matapos ang usapan nilang mag-ina, halatang nabahala si Albert.




Samantala nakalaya na si Ysay mula sa kulungan. Galit naman si Ysay at sinabing kapag napatunayan niyang si Victoria ang nasa likod ng kanilang mga sinapit ay pagbabayarin daw niya ito.




Nakatapos na ng OJT itong si Jordan sa kumpanya nila Lima. Binigyan pa nga ito ni Lima ng flat 1 sa evaluation, at tinanggal pa ang nakasuntukan ni Jordan. Pero may ibang plano pala itong si Jordan. Sa pamamagitan ng isang empleyado sa loob, ay pinag-acting niya ito na iniwanan ni Jordan. Napansin naman ni Lima ang umaarteng babae, at dito niya narinig na aalis daw si Jordan papuntang ibang bansa. Naapektuhan si Lima sa balitang iyon at tumakbo sa fire exit.





Sa fire exit naman ay kumakain ng tanghalian si Reno nang makita niya si Lima na umiiyak. Inalok niya ito ng panyo, ngunit tumakbo ang dalaga papalayo.



Habang abala naman sina Ysay, Alex at tsang sa paggagawa ng tocino ay may isang lalaking nagwawala sa labas. Nalason daw ang asawa niya sa tocinong binili kina Ysay. Pinuntahan nila Ysay ang bahay ng lalaking nagrereklamo at nakita niya ang babaeng bumubula ang bibig. Dadalhin na sana nila ito sa ospital nang pumasok ang anak nila upang manghingi pa ng tocino. Dito nabuko ang acting ng mag-asawa at galit na pinapaamin sila ni Ysay kung sino ang may pakana nito. Ngunit hindi kilala ng mag-asawa kung sino iyon, basta binayaran lang daw sila upang siraan ang tinda ni Ysay.











Kinumusta ni Victoria ang mayor ng bayan na tinutuluyan nila Ysay. Sabi ni Mayor ay siya na raw ang bahala kay Ysay. Magkakaroon ng handaan sa bayan at imbitado si Victoria.



Nabalitaan naman ni Ysay ang celebrasyon sa kanilang bayan, at alam niyang pupunta si Victoria. Kaya naisip nitong sumama at mag-apply sa catering na maghahanda sa nasabing okasyon.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!