Google
 

Bago pa man matapos ang birthday nila ay natagpuan ni Andrew si Gillian doon sa tinutuluyan ngayon ng pamilya nito. Tuwang tuwang niyakap ni Andrew si Gillian. Nagmamatigas naman si Gillian at pinipigilan ang damdamin nito para kay Andrew.



Nagpaalam na si Andrew kay Gillian dahil lilipad na sila patungong states. Mabuti na raw iyon ayon kay Gillian, kailangan na daw nilang maghiwalay dahil maraming nasasaktan. Priority pa rin ni Gillian ang kanyang pamilya. Nagagalit si Andrew dahil hindi daw ipinaglalaban ni Gillian ang kanilang pagmamahalan. Ngunit sabi ni Gillian ay kailangan iyon kahit masakit, kahit masakit dahil kailangan niyang huwag mahalin si Andrew.




Bago pa man umalis si Andrew ay ibinigay na niya kay Gillian ang kanyang regalo para sa dalaga. At bago pa man tuluyang makaalis si Andrew ay binati rin siya si Gillian ng happy birthday, at mag-iingat daw siya sa states.


Masakit man sa kalooban ni Gillian ay tinanggap niya ang kanyang naging desisyon, at sinuot na rin niya ang bigay na singsing ni Andrew.





Galit na galit naman si Emmy kay Mark, hindi daw niya akalaing makakalimutan ni Mark ang anniversary nila ni Trish samantalang may regalo pa siya para sa kaarawan ng isang katulong. Nilayasan naman ni Mark ang kanyang ina habang pinapagalitan siya nito. Alam naman daw niyang pinagpipilitan ng kanyang ina na makiapgrelasyon siya kay Trish upang manatili ang magandang business relations niya sa ama ni Trish. May sariling pag-iisip na raw siya.




Sa labas ay nagkakwentuhan ang magkaibigang Andrew at Mark. Dito nila muling nailabas ang kanilang mga sama ng loob. Nang tinanong ni Andrew si Mark kung bakit nagalit ang kanyang ina, ipinaliwanag niya ang nangyari. Hinanap ni Andrew ang regalo ni Mark para kay Gillian, at nang makita ito ni Andrew ay nagalit ito kay Mark at tinanong kung may pagtingin pa si Mark kay Gillian. Hindi na rin nagustuhan ni Mark ang inasal ni Andrew at sinabing may pagtingin pa nga siya kay Gillian. Nagkatulakan ang magkaibigan at parang nagkahamunan pa para kay Gillian. Patas daw lumaban si Mark sabi niya.






Humihingi naman ng tawad si Mark kay Trish sa nangyari. Tinanong ni Trish kung mahal pa ni Mark si Gillian, at umamin naman ito. Yun naman daw ang nagustuhan ni Trish kay Mark, ang pagiging honest nito, kahit na ang tungkol kay Gillian.





Kinabukasan ay lumipad na nga patungong states ang pamilya Angeles. Naaawa naman si Rose kay Andrew, ngunit kailangan nilang gawin ito.






Nagkaroon ng sagutan ang mag-ama pagdating sa states. Hindi pala alam ni Andrew ang tunay na dahilan ng kanilang pagpunta doon. Ang sabi ni Mike ay magkakaroon daw sila ng isang annual check-up, na hindi naman matanggap ni Andrew. Bakit daw kailangan doon pa sa states.


Kinausap ni Rose ang anak ng gabing iyon. Akala ni Andrew ay kaya siya magmemedical doon ay para sa requirements niya upang maiwan siya doon at mag-aral. Hindi naman maipaliwanag ni Rose ang totoong pakay nila sa pagpunta doo.




Dinalaw na ni Gillian ang kanyang ina sa ospital. Sa umpisa ay si Boy muna ang kumausap, mayamaya pa ay pumasok na siya sa ospital at kinumusta ang kanyang ina. Kaswal naman ang pakikitungo ni Patria kay Gillian, pero sa bandang huli, parang tinanggap na rin niya ito, at inalok muli ang bahay upang doon tumuloy. Natuwa naman si Gillian. Niyakap ni Gillian ang nakagisnang ina, nang biglang dumating si Bernardo.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!