Google
 

Nagkita ng hindi inaasahan sina Victoria at Ysay sa sementeryo. Bumalik lahat ng masasakit na alaala kay Victoria, lalo na ang pagkamatay ni Andrew, na unti-unti na niyang natatanggap. Nakita ni Albert na ang diskusyon ng dalawa, at gusto sana nitong sumali sa usapan ngunit umalis na rin kaagad sina Victoria.




Humingi ng paumanhin si Ysay kay Andrew (Albert) dahil hindi pa niya kayang patawarin si Victoria, katulad ng paghingi ng patawad ni Albert kay Trining.


Natutuwa naman si Albert dahil kahit papaano ay natatanggap na ng kanyang ina na patay na si Andrew, subalit ang hindi pa rin maalis kay Victoria ay ang isisi kay Ysay ang pagkamatay ni Andrew. Nagpasalamat din si Victoria kay Albert sa lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanila nila.


Nagpakalasing naman si Mito dahil sa sakit na nararamdaman nito simula ng makita si Ysay. Kahit na inaasikaso na siya ni Venice (Angelica Panganiban) ay si Ysay pa rin ang hinahanap nito.



Tinawagan naman ni Rino (Jason Abalos) si Albert upang sabihin na mabubuting tao sina Ysay, Alex at Tsang Trining. Nagkaroon ng realization si Rino na maaaring hindi nga kasalanan ni Ysay kung bakit nagpakamatay si Andrew, ngunit may pagdududa pa din si Albert tungkol dito.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!