Google
 

Aburido na sa buhay si Boy. Mababanaag sa kanyang mga kilos ang kawalang pag-asa. Galit siya sa lahat - sa ama niyang si Bernardo, sa walang kwentang kapatid na si Tina, pati na rin sa Ate Gillian niya. Nang dumating ang ama nito sa ospital ay binanatan niya ito ng layas sa pagaakalang walang ginagawa upang makatulong sa pagpapagamot ng inang si Patria.



Sa sama ng loob sa anak ay lumabas ng ospital si Bernardo. Paglabas niya ay tiyempong dating nila Andrew at Mark, na nagbakasakaling naroroon si Gillian sa ospital. Muling nagkasagutan sina Bernardo at Andrew at dito nalaman ni Mark ang tungkol sa lihim nila Bernardo at Andrew. Matapos iyon ay naglasing na naman si Bernardo upang takasan ang kanilang problema.








Samantala ay hindi na mag-aaral ngayong summer si Gillian. Ni-refund niya ang kanyang tuition para sa summer classes upang magamit sa pang-ospital ng kanyang ina. Sinamahan siya ni Carla. At dahil birthday ni Gillian ay nilibre niya ng mumurahing siomai at gulaman si Carla.



Matapos ang munti nilang selebrasyon ay pinuntahan na ni Gillian ang tinutuluyang bahay ng kanyang pamilya. Wala siyang nadatnan doon, at may kapitbahay na nakapagsabing isinugod sa ospital si Patria kaya walang tao sa bahay na iyon. Tiyempong dating naman ni Boy at nagalit ito kay Gillian.


Nagkapaliwanagan naman ang magkapatid, at sa kalauna'y nagkaunawaan sila at sinabi ni Gillian na gagawan nila ng paraan ang pagkaka-ospital ng kanilang ina.





Tinawagan ni Gillian si Rose tungkol sa hindi na niya muling pagbalik sa bahay ng mga Angeles. Sinabi na rin niyang hihinto muna siya sa pag-aaral, at ang narefund na tuition ay gagamitin muna pang-ospital ng kanyang ina. Matapos ang pag-uusap nila Rose at Gillian ay kinausap ni Rose si Mike na ipagpaliban muna ang pagpunta nila sa states para sa DNA tests na gagawin nila.





Ikinuwento naman ni Andrew kay Mark ang tungkol sa pag-angkin sa kanya nila Rose at Bernardo bilang kanilang anak. Medyo nag-isip din si Mark sa posibilidad na iyon dahil nga pareho ang birthday nila Gillian at Andrew. Pero naputol ang usapan ng mag-bestfriend ng tumawag ang ina ni Mark at pinauuwi siya.


Sandaling dinalaw ni Gillian ang kanyang inang si Patria. Ayaw niyang magbantay muna dahil baka hindi maganda ang maidulot nito sa kanyang ina kung sakaling makita siya doon.


Si Tina naman ay muling bumalik sa kanilang bahay matapos na mag-away sila ng kinakasama nitong boyfriend. Todo asikaso naman sina Gillian at Boy sa kanya dahil nag-alala sila sa kanyang pag-alis. Ngunit sadyang malayo ang loob ni Tina sa kanila dahil sa hirap ng buhay sa piling nila.




Bago matapos ang araw ay ibinigay na ni Boy ang kanyang regalo sa kanyang minamahal na ate Gillian. Isa itong manika na sabi ng tindera kay Boy ay maaaring humiling at ito ay maaaring matupad. Hiniling ni Gillian na sana sa kabila ng lahat ay sama-sama pa rin silang pamilya.



Samantala itong si Mark na may regalo din para kay Gillian bumalik na sa bahay nang hindi iyon naibibigay. Gulat naman si Mark pagpasok ng bahay dahil may sorpresa palang ihinanda ang kanyang ina at si Trish. Kinuha ni Trish ang akala niya'y regalo ni Mark para sa kanya, at laking panlulumo nito nang mabasa ang pangalan ni Gillian na naka-engrave sa bracelet. Hinabol ni Mark si Trish at nagpaliwanag na regalo lamang niya ito kay Gillian dahil kaarawan nito, sabay ng kaarawan ni Andrew. Kaya naman pala nagtampo itong si Trish dahil anniversary pala nila ni Mark at hindi man lang ito naalala ng binata.









Nag-aayos na para matulog ang magkakapatid na sina Gillian nang may biglang kumatok. Laking gulat ni Gillian dahil si Andrew pala ang kanilang bisita.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!