Google
 

Nang gabi na at habang gumagawa ng silong si Caloy dahil umuulan na ay may narinig itong iyak ng bata. Dali dali siyang lumapit sa pinagmumulan ng tunog na iyon at nakita nga niya si Eskappar. Sinubukan niya itong kausapin ngunit hindi suot ni Eskappar ang voice converter nito kaya hindi maintindihan ni Caloy ang sinasabi ni Eskappar. Binigyan ni Caloy si Eskappar ng pangalang tao, at ito ay Miguel.




Nagpasiya na lang si Caloy na iuwi si Miguel. Ngunit paguwi ay pinagdudahan siya ni Dolores. Baka daw anak ito ni Caloy sa ibang babae. Ngunit pinaliwanag ni Caloy ang nangyari, at may kasamang pang-uuto pa (madaling mauto si Dolores), kaya nawala na ang duda nito. Naisip din ni Dolores na ipaskil sa dyaryo ang mukha ng bata upang malaman ng mga magulang.




Nabasa ni Mang Ninoy (Jomari Yllana) ang anunsyo nila Caloy sa dyaryo tungkol sa nawawalang bata. Agad pumasok sa utak nito na maaaring may kapalit na malaking halaga ang pagsosoli ng bata sa magulang nito. Kaya naman pagkakita ni Mang Ninoy kay Caloy ay todo asikaso ito. Tinanong kung may umangkin na sa bata, na agad hinindian ni Caloy.






Itong si Dolores naman ay nasulsulan ng isang kapitbahay at sinabing papaano daw kung totoong anak daw ni Caloy ang bata. Kaya naman nag-isip na naman ng hindi maganda si Dolores at inaway muli si Caloy. Todo tanggi naman si Caloy. At habang binabato ni Dolores si Caloy ng kung anu-ano ay nahila nito ng hindi sinasadya ang lalagyan sa may likuran niya. Babagsakan sana si Dolores pero pinahaba ni Miguel ang kamay nito at sinalo ang lalagyan nang hindi napapansin ni Dolores, pero kitang-kita ito ni Caloy. Sa pagkatulala ay hindi napansin ni Caloy ang nagwawalang si Dolores kaya sinampal siya nito at nilayasan.








Tinanong ni Caloy kung paano nagagawa ni Miguel na pahabain ang kamay katulad ng isang lastiko, ngunit dahil hindi suot ni Miguel ang voice converter niya ay hindi ito sumasagot. Bigla itong tumakbo palayo. Sa hindi kalayuan, umiiyak na hinawakan ni Miguel ang kanyang kwintas, at umiiyak na tumingin sa kalawakan habang tinatawag ang ama.





Dahil nagkakagulo lang sila ni , minabuti na lang ni Caloy na iwan ang bata kay Wenggay, isang manghuhula at nagtitinda sa may labas ng kanilang simbahan. Doon daw ay madaling makikita si Miguel ng kung sino man ang kanyang mga magulang.



Ngunit hindi rin natiis ni Caloy ang bata kaya binalikan niya ito. Ngunit pagbalik niya kay Wenggay ay nakatakas pala ang bata. Hinanap ito ni Caloy ngunit hindi niya ito nakita.



Matapos ang matagal na paghahanap ay nagdesisyon na si Caloy na umuwi, pero laking gulat niya nang makita si Miguel na natutulog sa labas ng kanilang bahay. Sa tuwa ay niyakap niya ito at sinabing hinding hindi na sila ulit magkakahiwalay.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!