Google
 

Isang surprise outdoor dinner ang hinanda ni Mito para kay Venice. Tuwang tuwa naman si Venice, at matapos ang dinner ay isang mainit na halikan ang kanilang pinagsaluhan.





Pero kinabukasan, natuklasan ni Mito na nasa Pilipinas na pala si JJ, ang kanilang kausap sa lupa ni Mito na naisangla ni Venice. Dito nagtaka si Mito dahil ang sinasabi sa kanya ni Venice ay matatagalan pa daw. Kaya nang kinausap niya si Venice ay dito inamin ng dalaga na mahal na niya si Mito at ayaw niyang mawala ang binata sa kanya. Kapag naibalik na raw kasi ang titulo ni Mito ay parang babalik na muli si Ysay sa buhay ni Mito.





Isang problema ang dumating kina Ysay. Walang silang hawak na permit sa nakuha nilang pwesto sa palengke, kaya pinapaalis sila ng may hawak ng permit ng kanilang ginagamit na pwesto. Ngunit isa pala itong kagagawan ni Victoria.


Kaya naman napilitan sina Ysay na magtinda sa bangketa. Ngunit biglang may dumating na mga pulis at pinaghuhuli sila. Pero si Ysay lang ang nahuli (hinuli) ng mga pulis, kaya si Ysay lang ang ikinulong.








Tuwang tuwa naman si Victoria sa nangyayari dahil everything is going smoothly according to her plans.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!