Google
 

Nabanggit ni Emma kay Rose ang mga nakita nitong closeness ni Andrew at Gillian nung sila ay pumunta ng Baguio. Ayaw naman maniwala ni Rose, ngunit nang makita niya ang picture ni Gillian at Andrew sa kwarto ng binata ay nagduda ito.




Dahil sa pambubugbog na ginawa ni Andrew sa loob ng campus ay walang choice ang dean kungdi ang ibagsak si Andrew, lalo pa at alam nito na may mga subjects itong mababa ang marka.


Pilit kinakausap ni Gillian si Andrew tungkol sa bagay na ito ngunit dahil siguro sa daming iniisip ni Andrew ay nakulitan siya kay Gillian at nasigawan niya ito. Nagtampo naman ang dalaga. Pag-uwi naman ay nagsisi si Andrew at sinabing nabigla lang siya. Ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. Inaabangan pala sila ni Rose sa may labas. Pagkaalis ni Gillian ay kinausap ni Rose si Andrew at tinatanong kung si Gillian nga ang rason kung bakit bumababa ang grades niya. Agad naman ipinagtanggol ni Andrew si Gillian at sinabing labas si Gillian sa mga nangyayari sa kanya sa school.










Kinabukasan ay planong kausapin ni Gillian ang kanilang dean. Nagulat ito nang makita si Mark. Doon na rin mageenrol si Mark. Nagyakapan ang dalawa ng mahigpit. Kasama ni Mark si Trish na mageenrol kaya naman ng makita ni Trish ang yakapan ng dalawa ay malakas ang boses na tinawag nito si Mark. Nanghingi naman ng paumanhin si Gillian kay Trish.





Dahil gustong humingi ng tawad ay hinanap ni Andrew si Gillian. Pinuntahan niya ito sa bahay nila ngunit sinabi ng isa nilang katiwala na pumunta ito ng eskwelahan. Nang makita niya si Gillian ay pinagalitan pa niya ang dalaga. Nagalit din si Gillian kay Andrew sabay layas. Bago pa man mahabol ni Andrew si Gillian ay tinawag siya ng secretary ng dean. Dito ay muling pinagbigyan si Andrew ng dean sa pakiusap na rin ni Gillian.



Pag-uwi ng bahay ni Gillian ay si Rose kaagad ang bumungad sa kanya. Tinanong niya kung siya ang dahilan ng kung bakit nambugbog si Andrew sa eswelahan, na hindi naman itinanggi ng dalawa. Pinagbawalan ni Rose ang dalaga tungkol sa namamagitan sa kanila ni Andrew.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!