Google
 

Lalong tumitindi ang mga pangyayari... malapit nang malaman ang katotohanan. Dahil sa sinabi ni Gillian ay pinuntahan ni Rose si Patria. Nagulat siya dahil hindi niya inakalang totoong may sakit ito. Sinisi niya sina Patria sa mga nangyayari kay Andrew, at tinanong niya ito kung totoo ang mga sinasabi ni Bernardo tungkol kay Andrew. Muling itinanggi ito ni Patria. Bahala na raw ang Diyos sa kanila sabi ni Rose.



Si Bernardo naman, pinuntahan si Mike. Pagkakita ni Mike sa kanya ay galit na akmang bubugbugin ito. Ngunit binantaan ni Bernardo si Mike na babawiin si Andrew sa kanila, at muling sinabi na anak nila si Andrew. Sinabi ni Bernardo kung paano maaaring nangyari iyon. Dahil doon ay nagalit si Mike kay Bernardo.




Dinalaw naman ni Boy ang kanyang Ate Gillian. Ibinalita niya dito ang paglayas ni Tina, at ang pagkakasakit ng kanilang ina.


Kinausap ni Rose si Gillian pagkauwi niya. Kung alam lang daw niya na magkakagustuhan sila ni Andrew ay hindi na niya sana ito pinatira sa kanilang bakuran. Humingi naman ng dispensa si Gillian at siya na mismo ang nagpresintang aalis. Niyakap ni Gillian si Rose bago ito umalis, at napaiyak naman si Rose.






Kapit patalim naman si Bernardo dahil wala na siyang malalapitan. Kaya muli itong sumama sa kanyang mga kakilalang may kakaibang raket. Sa lakad na iyon ay nagkaroon ng konting aberya dahil nabaril ang isa nilang kasama at naiwan sa scene of the crime.






Si Patria naman, dahil marahil sa dami ng iniisip ay bumigay ang katawan at muling nawalan ng malay.


Sabay na umalis ng bakuran ng mga Angeles sina Boy at Gillian. Habang naglalakad ay binigyan ng pera ni Gillian si Boy, ngunit ang gusto ni Boy ay umuwi na si Gillian sa kanila. Ayaw naman ni Gillian dahil kailangan nitong maghanap ng pagkakakitaan para na rin sa kanila. Nagtatampong umalis naman si Boy.


Nagkausap ang magasawa tungkol sa mga nangyari sa kanilang araw. Si Rose pinuntahan si Patria. Si Mike pinuntahan ni Bernardo. Pinagusapan nila ang mga sinabi ni Bernardo na anak nila si Andrew. Nagisip isip naman si Rose kung paanong mangyayari iyon, saka pumasok sa isip niya na sabay silang nanganak ni Patria.



Nagmamadaling pinuntahan ni Rose si Gillian ngunit nakaalis na ito. Nababahala naman si Rose dahil baka may mangyaring hindi maganda kay Gillian sa labas.



2 Comments:

  1. Anonymous said...
    Astig! ^_^ Kaka-panood lang andito na agad! Salamat, para kapag hindi ko maabutan mahabol ko sa site mo!
    Anonymous said...
    hello po..:)
    pwedi ko pa ba mapanood ang Natutulog ba ang Diyos....di2 sa blog mo..hanggang episode 14 lang kasi napanood ko eh...thanks:)

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!