Google
 

Pinuntahan ni Andrew si Patria sa tinutuluyan nito upang malaman kung may sakit nga ito, at kung totoo nga ang sinabi ni Bernardo na sila ang totoo niyang mga magulang. Pagkakita ni Andrew kay Patria ay nagulat ito sa kanyang kalagayan, pero naiiyak na itinanong nito kung may katotohanan ang sinabi sa kanya ni Bernardo, na sila nga ang kanyang totoong mga magulang. Naiiyak na itinanggi na Patria na sila nga ang magulang ni Andrew, at sa narinig ay sumaya ang mukha ni Andrew. Sa tuwa nito ay binigyan niya ng pera si Patria, na ibinato naman ng huli nang makalayo na si Andrew.





Sa may labasan ay nagkasalubong si Andrew at si Bernardo. Pinaratangan niyang sinungaling si Bernardo, at kahit ano pa raw ang sabihin nito ay hindi na siya maniniwala.


Sinabi ni Patria kay Bernardo ang nangyari, at awang awa siya sa sarili niya, parang gusto na raw niyang mamatay sa sobrang sakit nang makita niyang sumaya ang mukha ni Andrew ng itanggi niyang sila ang kanyang mga magulang.


Samantala habang wala si Andrew ay pumasok sa loob ng kwarto si Rose, at sa pagtingin tingin nito sa mga gamit ng binata ay nakita niya ang singsing na dapat sana ay ibibigay ni Andrew kay Gillian. Pagkauwi ni Andrew ay pilit niyang pinaaamin ang binata kung may namumuong relasyon sa kanila ni Gillian. Noong una ay itinatanggi pa ito ni Andrew pero sa bandang huli ay inamin niyang may gusto siya kay Gillian pero si Gillian naman ay priority pa rin ang pamilya at pag-aaral. Sa narinig ay nagalit si Rose at pinagbantaan na palalayasin si Gillian kapag ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon.









Isang araw ay dinalaw ni Mark si Gillian upang kumustahin. Dito ay nalaman ni Mark na wala pa palang relasyon sina Gillian at Andrew pagkababa ng dalawa sa Baguio, na taliwas sa ginawang pag-amin ni Andrew sa kanya isang gabi bago bumalik ng Maynila sina Andrew at Gillian.



Nagaway naman sina Gillian at Andrew dahil nalaman ni Gillian na matagal nang may alam si Andrew tungkol sa pagkakasakit ng kanyang inang si Patria, at wala man lang daw binabanggit sa kanya si Andrew.




Dahil naman sa nalaman ni Mark kay Gillian ay galit na sinugod nito si Andrew at sila ay nag-away sa may pool.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!