Google
 

Gulat na gulat si Gillian sa ginawang paghalik ni Andrew sa kanya. Si Andrew man ay nagulat, kaya nanghingi ito ng paumamhin kay Gillian at saka umalis.



Sa labas naman ay nagkita sina Mark at Andrew. Dito ay tinanong ni Mark kung bakit hinahalikan niya si Gillian, at kung sila na ba. Sagot naman ni Andrew ay sila naman daw ni Trish, na itinanggi ni Mark. Si Andrew naman, sinabi kay Mark na sila na nga ni Gillian, kahit hindi naman. Dito na naghiwalay ng landas ang dalawang magkaibigan.


Dalawang taon ang mabilis na lumipas at nagkaroon na ng magkahiwalay na buhay sina Mark at Andrew. Si Andrew naiwan sa Maynila, kasama si Gillian na pumapasok sa iisang eskwelahan. Dahil sa nangyaring halikan ay nagkatuluyan ang dalawa.


Si Mark naman ay pumunta ng Baguio at doon nagpatuloy ng pagaaral. Ngunit kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nito natutunang mahalin si Trish.






Pagkagraduate nila Mark at Trish ay nagpasya ang dalaga na lumuwas na lang ng Maynila. Ayaw na raw niyang maghintay pa kay Mark. Magsisimula na lang siyang muli sa Maynila.





Nagpacheck-up naman si Patria at lumabas sa resulta na mayroon siyang lupus at kailangan i-dialysis o kaya ay palitan ng kidney. Problemado si Bernardo dahil malaki ang gagastusin.




Kaya naman kapit sa patalim si Bernardo, kahit na magnakaw ay gagawin nito makalikom lang ng malaking halaga. Ngunit sadyang mailap ang swerte kay Bernardo dahil lagi na lang siyang nabubugbog sa mga ginagawa niyang kalokohan.



Isang araw ay naisipan nitong magbakasakali kina Mike, ngunit pinagtabuyan siya ni Mike dahil akala ay manggugulo lang ito.



Pag-alis ni Mike ay siya namang paglabas din ni Andrew. Nanghingi din si Bernardo ng tulong dito, ngunit gaya ng ginawa ni Mike ay hindi nito pinansin si Bernardo at pinagsungitan pa. Dahil sa nainsulto ay sinapak ni Bernardo si Andrew at nag-away ang dalawa. Binantaan ni Andrew si Bernardo na isusumbong sa pulis, ngunit biglang inamin ni Bernardo ang matagal na nilang lihim - sinabi nito na ina ni Andrew si Patria.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!