Google
 

Inasikaso kaagad ni Andrew ang mga forms at requirements ni Gillian para makapag-enroll na ito. Natutuwa man si Gillian ay nahihiya rin siya.



Dahil naghahanap ng pwesto si Patria ng kanyang ititinda, hindi sinasadya ay nagawi ito sa eskwelahang pinapasukan nila Andrew, Mark at Gillian. Natuwa siya dahil nakita niya ulit si Andrew, at naisip niyang maaari siyang pumuwesto doon para lagi niyang makita si Andrew.

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Mark na kausapin si Gillian sa may pool area. Hindi nila alam na nakamasid sa kanila si Andrew dahil lihim na tinitignan nito ang dalaga. Narinig niya ang pagtatapat ni Mark ng pag-ibig kay Gillian at nagselos ito. Umalis si Andrew nang hindi naririnig ang mga sinabi ni Gillian kay Mark na hindi pa iyon ang tamang oras upang magmahal siya, dahil pamilya pa rin niya ang kanyang priority.









Dumalaw naman si Carla kay Gillian. Dahil wala na itong matutuluyan (nakakulong ang kanyang inang si Minerva at may nakatira na sa tinuluyan nila noon sa Taytay) ay nakiusap siya kay Gillian na tumuloy muna doon sandali.



Kinabukasan ay halata kay Andrew ang pagseselos nang makita ang dalawa na mukhang may lakad.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!