Google
 

Nagkaroon ng bonding moments ang pamilya Angeles sa states. Nagkaroon sila ng open forum kung saan sila ay humingi ng dispensa sa isa't isa. Si Mike ay humingi ng dispensa dahil siya ay impatient, si Andrew naman dahil sa mga kunsumisyong ibinibigay niya, at si Rose naman dahil sa kanyang pagiging praning. Humingi siya ng dispensa lalo na kay Andrew dahil sa mga paghihirap na naranasan ni Andrew dahil sa kanyang pag-iisip ng kung anu-ano.





Kung sina Mike, Andrew at Rose ay larawan ng isang magandang pamilya, halos kabaligtaran naman ang kina Gillian.


Hindi naman nakalimot si Mark kay Gillian. Lagi niya itong dinadalaw, lalo na ngayong nasa ibang bansa si Andrew. Natutuwa naman si Gillian sa suportang ibinigiyan ni Mark.


Patuloy pa rin ang buhay ni Gillian kasama ang kanyang pamilya. Todo ang alagang ibinibigay niya kay Patria.



Matapos ang ilang linggo, dumating na ang test result ng DNA testing nila, at dito napatunayan nilang hindi nga nila anak si Andrew. Labis ang lungkot at hinagpis ng dalawa lalo na si Rose.






Pagkabalik nila ng Pilipinas ay may ibinigay na regalo itong si Rose kay Andrew. Para ito kay Gillian, dahil alam na niyang gustong makita ni Andrew ang dalaga. Dali-dali namang pinuntahan ng binata ang bahay nila Gillian.



Hindi naging handa si Andrew sa kanyang makikita. Nakita niya si Gillian at Mark na magkasama, at nagnakaw pa ng halik itong si Mark sa dalaga. Nasaktan ng husto si Andrew at dali-daling umalis. Nakasalubong niya si Tina at sa kanya na lang ipinaabot ang regalong dala.







Hindi naman natuwa si Gillian sa paghalik ni Mark. Nagtataka din ang dalaga sa nadadalas na pagdalaw ng binata.



Isang araw ay may tinatawagang abogado itong si Mike. Nakikinig naman sa may hagdanan si Andrew. At may narinig itong usapan tungkol sa pagsampa ng kaso, tungkol sa kidnapping, tungkol sa DNA test result, at pagkuha sa isang babae. Narinig ni Andrew sa usapan ng mag-asawa kung nasaan ang test result, kaya pinuntahan niya ito kaagad. Nagulat siya sa nakita. Bigla itong umalis dala ang resulta. Pinuntahan nito si Gillian at sinabing may mahalaga silang dapat pag-usapan. Ngunit sa darating itong si Bernardo kaya dali-dali silang umalis.












0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!